C15: The forgotten flower

273K 5.8K 2.8K
  • Dedicated kay New Readers of Class 3-C has a secret..
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Chief Guevarra's POV

"May nakita po akong dalawang babae na may hatak hatak na isang bangkay palabas ng campus." Sabi sa akin ng isa sa mga janitor habang naglalakad sa hallway ng Laketon Academy.

"Nakilala mo ba sila?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi po eh."

"Mga anong oras at kailan mo sila nakita?" Tanong ko muli.

"Alas diyes po ng gabi kahapon Chief. Sigurado akong estudyante sila dito dahil suot suot pa nila ang  kailangang uniporme." Napahawak ako sa baba ko.

Alas diyes ... nakakapagtaka na suot pa rin nila ang kanilang uniporme. Hindi ba mas uunahin nilang itago ang mga pagkakakinlanlan sa kanila?

"Iyon lang ba ang mga nakita mo?"

"Opo Chief."

"Salamat Mang Mando."

Naglakad lakad ako sa building ng High School Department. Ang brutal na pagpatay kay Kevin pati na rin sa librarian at yung nangyari sa classroom ng 3rd year. Sigurado akong hindi iisa ang mga gumawa ng mga ito. Maaring alam ko na kung sino ang pumatay kay Kevin pero isang bugtong pa rin para sa akin ang iba't ibang nanyari.

Napatigil ako ng ilang sandali nang may narinig akong mga tinig.

"Buhay ba talaga si Freya?" 

"Sa pagkakaalam ko, patay na siya."

"Impossible ... nakita ko siya sa hospital. Hindi ako pwedeng magkamali."

"Baka yung isa ang nakita mo.."

"Sino?"

Inilapit ko pa ang aking tainga sa pintuan kung saan naroroon ang mga nagsasalita. Pamilyar ang mga  boses nila .Alam kong nakausap ko na sila dati pa. Lalo na yung isang pambabaeng boses---alam na alam ko na kung sino siya. Pamilyar din sa akin ang pangalan na Freya  mukhang nakita ko ang pangalan na yan sa files sa presinto ngunit di ko masyadong maalala.

Bago ko pa man marinig ang tugon ng isa sa kanila ay may nagtakip na ng bibig ko gamit ang isang panyo at nagdilim ang  buong paligid..


Rain's POV


"Tagay pa pare!" Sigaw ng kainuman ko habang tinataas niya ang hawak niyang baso. Nandito kami sa isang bar na pagmamay-ari ng ama ng isa sa mga kabarkada ko.

"Hoy Rain! ba't di ka tumatagay diyan? Ilang buwan lang tayong di nagkita, naging mahina ka na agad!" Nagtawanan naman agad sila.

"Tangina nyo." Sabi ko sabay kuha ng baso at ininom lahat ng laman nito. "Sinong sinasabi nyong mahina? Mga ulol!"

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon