So much Love

27 9 5
                                    

Natatanaw ko na sya. Nakasandal sya sa pader habang ang dalawang kamay nito ay nasa kanyang dalawang bulsa. Hindi ko maaninag ang mukha nito dahil naka hood ito at medyo madilim sa lugar kung saan sya nakapwesto. Ganun pa man nakaramdam ako ng kaba dahil alam kong may problema. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko para makaramdam ng ganito ang tanging alam ko lang sobra ko syang mahal. Siya ang unang lalaking minahal ko at gusto ko siya na ang huli.

Bumaba na ako ng tricycle at agad na lumapit sa  kanya. Habang palapit ako sa kanya diretso lang ang aking tingin sa kanya gusto ko makita ang mukha nito. Ngunit ng magtama ang mata naming dalawa.. Blanko ang ekpresyon nito. May problema kami ramdam ko. Nang tuluyan na akong makalapit sa kanya walang ano-anu'y umalis ito sa pagkakasandal at tumalikod upang mauna sya sa paglalakad. Ako naman ay tahimik lang nakasunod sa kanya, wala akong lakas ng loob na magtanong.

Lagi nya akong sinusundo sa may kanto sa tuwing paglabas ko galing sa school hinahatid nya ako sa bahay namin. Sa mga nagdaang buwan ngayon ko lang syang nakitang ganito ka cold sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil ayoko na ganito kami isipin ko pa lang na mag-aaway kami ay nasasaktan na ako.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nag txt sayo a?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita ito. Pansin ko rin na tumigil ito sa paglalakad.

Napalunok ako bago nagsalita. "Lobat ang cp ko, s-sorry kung napaghintay kita". Nakatuon lang ang paningin ko sa likod nya hindi pa rin kasi sya humaharap sa akin. Narinig kong nag-buntong hininga sya bago nag-patuloy sa paglalakad. Tahimik lang kami sa paglalakad hanggang makarating na kami sa bahay namin.

Huminto sya habang nilampasan ko lang sya at hindi nag-atubiling tingnan sya. Natatakot ako magtanong ayoko mahantong kami sa pag-aaway. Palilipasin ko na lang tong gabing ito baka sakaling ayos na sya bukas.

Hindi pa ako nakakapasok nang gate nang hawakan nya kamay ko. "Babe" saad nya nang mahina. Nararamdaman ko ang problema sa klase ng pagbanggit nya sa endearment namin.

"Bukas na lang tayo mag-usap" . Sabi ko nang nanatiling nakatalikod pa rin sa kanya. Narinig ko namang nagpakawala ito ng hangin.

"Punta ka sa amin bukas sunduin kita sa school nyo". Sabi nito kasabay ng pagbitaw sa kamay ko. Tanging tango lang ang nagawa ko at pumasok na sa loob ng bahay namin.

Sa unang pagkakataon magkakaroon na ata kami nang hindi pagkakaunawaan. Sa halos 5mos. na magkarelasyon kami ngayon ko lang naramdaman ang layo ng loob nya sa akin. Kung dati ay sinasalubong nya ako ng ngiti at yakap sa tuwing susunduin nya ako sa kanto at magkahawak-kamay na maglalakad patungong bahay namin. Masaya syang mag- kukuwento sa mga nangyari sa kanya sa maghapon lalong na tungkol sa banda nya. Member sya ng isang banda, drummer at minsan nag-sesecond voice sya pag-wala ang lead vocalist sya ang kumakanta.

Maniwala man kayo't sa hindi, hindi ko pa sya nakikitang magperform ngunit narinig ko na syang kumanta pero kung paano sya humampas ng drum ay hindi ko pa nakikita. Lagi nya akong niyaya sa tuwing may praktis sila ngunit hindi ako sumasama dahil marami akong ginagawa sa bahay. Lalo na pag may gig sila hindi ako nakakasama dahil bukod sa gabi na ay sa malayo sila dumadayo. Kaya nanghihinayang ako dahil hindi ko man lang ma-experience na ipagcheer ang boyfriend ko sa tuwing tutugtog ito. Kung magkita kami ay sandali lang. Pumupunta ako minsan sa kanila doon kami masayang nakakapag-kwentuhan at madalas na makasama ang isa't isa.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang cp ko. Naupo ako sa kama ko habang tinitingnan kung sino ang nagtext.

From:Babe

Im sorry babe hindi ko sinasadya. Mahal na mahal kita sana lagi mo yang tandaan. Hindi ko talaga sinasadya.

Napakunot ako nang mabasa ang message nya. Kaya naman nireplayan ko sya.

To:Babe

Bakit? Anong ginawa mo?

Hindi ko pa man alam ang dahilan ngunit kinakabahan na ako at hindi maiwasang masaktan. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang oras na ang binilang ngunit hindi na sya nag-text pa.

 So much LoveWhere stories live. Discover now