[Extra Chapter] Unfinished Business.

235K 5.1K 537
                                    

BASAHIN!!!

Unedited ang mga chapters na nandito.

Ibig sabihin;

1) May mga typo.

2) Iba ang nandito sa published version. Revised 'yung C3CHAS na published kaya wag magtaka kung may iba rito. Kung nasimulan mo ang C3CHAS sa published na version mas advise na ituloy mo sa published na ver.

Kung ayaw nyo maspoil sa story.

Gawin ang mga sumusunod;

1) Wag magbasa sa comment section.

2) Wag magmadali, malalaman naman lahat sa dulo.

Sa pagbalik ko nito. Respeto na lang sa mga hindi pa talaga nakakabasa, pls wag spoiler. No papansin allowed. Char! Haha.

---

Alyana's POV

"Buti naman at dumating ka." Pamungad niya sa akin habang nakatayo sa harapan ko. Nagtext siya sa akin kung saan kami magkikita. Pagkatapos mag-usap usap ng klase tungkol sa pagkamatay ni Teacher Yuko ay dumeretso na ako rito.

"Pano mo nakuha ang video na yon?" tanong ko sa kanya. Naalala ko muli ang video ni Angie at Kevin. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko. Noong pinanood ko ang video na yon... hindi ko alam kung sino dapat papatayin  sa kanilang dalawa. Agad ko iyong pinadala kay Angie para malaman niya ang malaki niyang pagkakasala sa akin.

"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Sa tingin ko mas masasaktan ako kung paulit-ulit na isasampal sa akin ang katotohan. Sinumbat ko sa kay Angie ang lahat... nasaktan ko siya... ngunit mas lalo niya akong sinaktan.

"Sorry na Alyana! Sorry na..." Naalala ko ang paulit ulit na paghingi niya ng tawad habang nakaluhod at yakap yakap ang mga paa ko. Nasa may labas ako ng bahay nila. Wala ang mga magulang niya at pumunta ako doon para tapusin na ang relasyon namin.

"Bakit mo yon nagawa Angie?" Tanong ko sa kanya.

"Natakot ako. Natakot ako sa mga sasabihin ng iba patungkol sa relasyon natin. Natatakot ako sa mga mata nila na kapag nalaman nila na ang karelasyon ko ay babae... baka husgahan nila ako... baka wala na kong mukhang maiharap sa kanila." Naluluha-luha niyang sinabi. Muli siyang tumingala sa akin at tuluyan nang umiyak.

"Kaya nyo ginawa yon ni Kevin? Kaya naghanap ka ng iba? Sumagot ka!" 

"Hindi ko alam... hindi ko alam na ginagawa na pala namin yon. Nalasing ako Alyana. Nilapitan ko si Kevin para i-open up ang problema ko... hindi ko alam na kaya niya palang gawin yon sa akin... hindi... hindi ko gusto ang nanyari." Umiyak pa siya nang umiyak. "Pa-Patawarin mo ako Alyana."

"Angie, bakit pa kailangang dumating sa punto na ito? Sana sinabi mo na lang sakin. Dapat pinaalam mo sa akin ang nararamdaman mo. Kung ayaw mo na akong mahalin, sige lalayo ako! Kung kinakahiya mo ako, sige ayos lang sakin!" Kinalas ko ang pagkakapit niya sa mga paa ko. Narinig kong sinigaw niya muli ang pangalan ko ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad.


"Sino ba ang gusto mong patayin sa kanila?"

Bigla akong nagbalik sa realidad nang narinig ko ang sinabi niya.

"Ano?"

"Si Angie o si Kevin?"

"Silang dalawa." Hindi ko alam kung san nanggaling ang sagot ko. Pakiramdam ko bigla na lang gumalaw ang mga bibig ko. Pakiramdam ko walang silbi ang puso't damdamin ko ngayon hangga't naalala ko pa rin ang ginawa niya sa akin. Napakasakit.

Ngumiti siya.

"Tutulungan kita. Akin na ang cellphone mo." Inabot ko naman sa kanya ang cellphone ko kagaya ng sabi niya. Ilang minuto lang at nagsalita siya muli " Pumunta ka muna sa Room 101-A. Hintayin mo ako doon, may nakalimutan lang akong dalhin." 

Katulad ng sinabi niya ay dumeretso ako sa nasabing room. Ilang taon na ring itong hindi ginamit simula noong may namatay ditong tatlong estudyante. Dito raw natagpuan ang mga chop chop na katawan ng mga nasabing estudyante na hanggang ngayon ay hindi alam kung bakit pinatay at kung sino ang pumatay. Hindi ko alam pero simula noon ay kinatakutan na itong room na ito. Ito rin ang unang beses na napasok ako rito.

Pundido ang ilaw kaya in-off ko na lamang ito. Nakakatakot nga, pakiramdam ko ay may nagmamatiyag sa akin at ilang sandali na lang ay may hahatak sa paa ko. Tumayo lang ako sa gilid nang may kumalabit sa akin. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa takot pero siya lang pala. May hawak siyang kung ano...

"Hawakan mo to." Binigay niya sa akin ang isang ... baseball bat?

"Aanhin ko to?"

"Magkakaroon  ng palabas."

"Palabas?"

"Oo." Kahit di ko siya nakikita. Ramdam ko na nakatingin siya sa akin. "Ang kamatayan ni Angie." Pagpapatuloy niya.Nagulat ako nang narinig kong pumasok si Angie sa kwarto..

 A-Angie?

"Alyana? nandito na ko."

Narinig kong sinabi ni Angie. May kaunting liwanag na ngayon dahil hindi niya nakasarado ng mabuti ang pintuan. Papalapit siya nang papalapit sa kinatatayuan namin. Agad naman akong hinatak ng kasama ko hanggang sa nasa likuran na kami ni Angie.

"Ipukpok mo na sa kanya." Pabulong niyang sinabi.

 "Di ko kaya" tugon ko

"Bilisan mo. Niloko ka niya. Kinahiya ka niya. May nanyari sa kanila ni Kevin. Sawa na siya sayo."

Aaminin ko totoo lahat ng sinabi niya. Galit ako kay Angie at lalong lalo na kay Kevin ngunit ngayong nandirito na, bigla akong naduduwag. Hindi ko pala kaya.

"Eh wala ka palang isang salita eh. Sira-ulo ka talaga Alyana." Inagaw niya ang baseball bat sa akin at agad na pinukpok sa ulo si Angie.

Si Angie ... patay na ba siya? 

Kasalanan ko ito.

Kasalanan ko lahat ng ito.

Bigla akong nataranta. Nanginig ang mga kamay ko. Tumakbo ako papunta sa C.R. Hinugasan ko ang uniform ko na may mga dugo dulot sa pagkakahatak kay Angie. Naghilamos din ako at dahan dahan kong tinignan ang mga kamay ko.. Minahal ko siya---higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Paano niya nagawa yon sa akin? Ginago niya ako pero ano tong nararamdaman ko... kakaiba.

Nakapaghiganti na ako.

Patas na kami. Nasa impyerno na siya at ako naman, patuloy na mamumuhay sa impyernong buhay na ito. Hindi man ako ang gumawa sa kanya nun, nakaramdam ako ng kasiyahan. Nakaramdam ako ng kaginhawaan.

Bigla akong tumawa.

Si Kevin na lang ang kulang.

-----------------------------------------x

Class 3-C Has A Secret | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon