0.045

203 46 6
                                    


Umakyat na ako sa stage at tinanggap ang diploma ko sabay ngiti sa aming principal. Nakipag-shake hands muna siya sa akin bago sila mama at papa naman. Pagkatapos n'on ay nagpapicture na kami sa baba ng stage ni Ate Sapphire.

"One... two... three... smile!"

"Sige, wacky pose naman!" sigaw niya at nag-pose naman kami ng gan'on.

"Saf, gusto mo ako ang mag-picture sa inyo para kasama ka naman?" biglang sabat ni Desteen at agad sumurok ang dugo ko at ewan ko kung bakit.

"Sige ba! Thank you!" sabi ni ate saka niya ibinigay ang camera kay Desteen at lumapit sa akin para mag-pose na.

"Ngiti ka naman, Shey!" sigaw ni Desteen at hindi ko maiwasang irapan siya.

Pakealam mo ba kung ayokong ngumiti? Umalis ka nga sa harap ko!

"Nakangiti naman ako, eh,"








Pagkatapos ng event ay dumiretso kami sa mall at kumain sa Golden Cowrie at dahil graduate na daw ako, p'wede na silang gumastos ng marami para naman mag-celebrate sa pagka-graduate ko at iyon ay ani mama.

"Kailan balik niyo sa New York, ate?" tanong ko bigla habang kumakain na kami.

"Anak, gusto mo ng paalisin ang ate mo?" tanong ni papa. Umiling ako.

"Hindi 'no!" sabi ko, "Nagtatanong lang!" sabay iling ulit.

Hindi naman kasi si ate ang gusto kong paalisin eh! I thought with a sigh. Ngumiti nalang ako kay mama at papa bago kami nagpatuloy sa pagkain.

"Next week, Shey," sabi ni ate, "Pero ako muna ang mauunang umuwi kasi kinakailangan na ako ni Snow doon sa trabaho pero si Desteen ay maiiwan muna dito," ngiti niya, "Next two months pa naman ang graduation niya at semestral break pa nila ngayon," sabi ni ate sabay tingin kay Desteen na may malawak na ngiti.

Is this some kind of joke?!

"Ah, okay," I replied with a fake smile.







Nang natapos na kaming kumain ay dumiretso na kami sa pag-uwi. Nagpahinga agad si mama at papa. Habang naligo muna si Ate Sapphire. Si Desteen, aba'y ewan ko, wala akong pakealam sa kan'ya.

Umakyat na ako sa taas ng kwarto ko at agad hinubad ang toga ko para maligo at magbihis na rin.

Pagkatapos n'on ay bumaba na ako para uminom ng tubig sa sala nang biglang nagpakita si ate sa harap ko. "Nanggugulat ka ba ate?! Halos atakehin na ako sa'yo ah!" sigaw ko at nilapag ang baso sa sink.

"Hali'ka nga... mag-usap nga tayo..." sabi niya sabay hila sa akin patungong sala. Umupo kami ng sabay sa sofa bago niya ako hinarap na may hindi kaaya-ayang tingin.

"Sabihin mo nga sa akin, may nangyayari ba sa inyo ni Desteen?" biglang tanong niya at agad bumilog ang mga mata ko, "Pansin ko na eh, noon pa. Iyong mga posts mo, iyong profile pic mo, lahat-lahat and your actions lately... something's out. Something's bothering me big time and it feels na may away kayo ni Desteen. Simula ata n'ong dumating kami dito ay hindi ko ata kayo nakikitang nag-uusap. Palagi ka lang nakakulong sa kwarto mo at nag-ffb at kapag pumasok ka naman, diretso lang ang lakad. Tell me, Shey, anong pinag-awayan niyo?"

Iyon ay dahil naguguluhan ako ate! Talagang naguguluhan!

Tumawa ako, "Ate naman! Wala kaming away! Awkward lang kasi ang pakiramdam ko kasi eight years ko na siyang hindi nakikita simula n'ong pag-alis nila dito sa Pilipinas at nag-migrate na sa New York,"

"Sigurado ka? Eh, palagi naman kayong nag-chachat sa fb ah?"

Anong palagi? Isang convo nga lang ang meron kami!

"Basta ate... na-aawkward-an ako," sabi ko nalang sabay tayo sa pagkakaupo. "Balik nalang muna ako sa taas."

"No, dito ka nalang at ako ang aakyat sa taas dahil may gagawin ako. Sila mama at papa kasi umalis, nagpaalam sila sa akin kanina lang kaya naman ay abangan mo sila sa gate dahil baka pauwi na sila," sabi niya at agad nagtungo sa may hagdan bago umakyat at tuluyang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Napa-buntong hininga ako, "Naguguluhan talaga ako..." sabi ko nang biglang may nag-doorbell sa labas ng gate at agad akong kumaripas palabas dahil nandito na sila mama at papa.

Binuksan ko na ang main door namin at lumabas. Laking gulat ko na ang inaasahan kong nakauwi na ay hindi pa pala. Lumaki ang mga mata ko ng nakita ko siya at sinisigaw-sigaw ang pangalan ko. "Hershey Kang! Hershey! Lumabas ka d'yan! Kausapin mo 'ko!" sigaw siya nang sigaw kaya binuksan ko agad ang gate para sa kaniya.

"Bakit ka ba nandito?" tanong ko at halos manigas ako ng tiningnan niya ako sa pamamagitan ng kaniyang nga mapupungay na mga mata.

"Her-hershey... ikaw na ba iyan?" he stuttered.

"You're drunk, Zero,"

"No, I'm not!" sigaw niya at nagulat ako ng lumapit siya sa akin ng husto. Bigla siyang na-out of balance at natumba pero bago 'yon nangyari ay nasalo ko na siya at niyakap niya agad ako. Inilagay niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at sininghot ang aking buhok. "Hershey... miss na miss na kita..." bulong niya.

"Zero, ang bigat-bigat mo!" sabi ko at wala na akong nagawa kun'di ang ipasok nalang siya sa loob ng bahay at oo, tama 'yong kasabihang the struggle is real. Halos mamatay na ako sa pag-alalay sa kaniya dahil ang bigat-bigat niya.

Susmarya!

I phewed as I threw him on the sofa. Tumikhim ako bago ko siya tiningnang tulog na dahil sa sobrang kalasingan. "Tsk, bakit ka kasi naglasing, susmarya,"

I stared on his face bago ko ito hinawakan ng paunti-unti. Sinuyod ko bawat features niya sa mukha bago ngumiti, "Kahit lasing, kahit tulog, ang gwapo pa rin," sabi ko at tumayo na ng tuwid, "Ikukuha muna kita ng pamunas sa katawan, kasalanan mo 'to eh,"

Dumiretso na ako sa kusina at kumuha ng maliit na basin 'tsaka ko siya nilagyan ng tubig. Nilagyan ko naman ng tubig ang heater namin at pagkatapos uminit, inilagay ko siya doon sa basin. Tinuslo ko ang hintuturo ko sa tubig at naramdaman kong maaligamgam na ang tubig, "Okay na 'to,"

Pumunta naman ako sa banyo dahil doon nakalagay ang mga bago naming mga towels at kumuha ako ng isa. Iyong maliit lang. Nilagay ko siya sa balikat ko bago ako pumunta ulit sa kusina at kinuha ang basin. Nakangiti ako habang bitbit-bitbit ko ang basin hanggang sa nahagip ng mga mata ko si Zero.

At si Desteen. Anong ginagawa niya kay Zero?

Halos malaglag ang panga ko sa nakita. Nanigas ako at parang hindi na makagalaw. Nanlaki ang mga mata ko ng ipinasok ni Desteen ang kaniyang dila sa bibig ni Zero. Kitang-kita ko. Halos maduwal ako sa nasilayang naglakbay ang mga kamay ni Zero mula sa waistline ni Desteen pataas.

This is a shit.

chocoholic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon