Chapter 24

16.9K 560 260
                                    




Pagkatapos ng training namin, hinanap agad ng mga mata ko si Japan pero hindi ko sya makita kahit anino nya. Naisip ko na baka nauna na sa room namin kaya pumunta ako sa room namin. Pero wala akong Japan na naabutan sa room namin. Chineck ko ang banyo pero wala rin sya.

Napakamot ako ng ulo. Takte nasaan 'yon?

Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon. Speaking of.

"Japan, saan ka nagpunta?" tanong ko sa kanya.

"None of your business." sagot nya. Nailing ako. Expected ko na ganon ang sasagutin nya.

"May tanong ako Japan." sabi ko pero hindi nya ako pinansin. Kumuha lang sya ng damit nya. "Yung taong gusto mo." tumigil ako saglit at tinignan sya. Napakunot noo ko na wala syang reaction. "Si Louise ba 'yon?" tanong ko. Doon lang sya natigilan. Napakagat ako ng labi ko.

Tama nga ako. Si Louise ang gusto nya. Kung hindi ko pa iisipin ng masyado ang pagkasunod sunod ng numbering na binigay ng mga seniors ay hindi ko pa malalaman na si Louise ang gusto nya. At naisip ko rin kung bakit minsan ay nakikita ko si Japan na nakakasama nila Jayden na laging kasama si Louise. Yung sa facebook na sya mismo ng add kay Louise. Yung sinasabi ni Jayden sakin na ipagpatuloy ko lang ang pag-aakit kay Japan. Yung tuwing naabutan ko na lumalabas ng kwarto si Japan sa kwarto nila Jayden...

Napapikit ako nung matanto ko ang lahat-lahat. Ang slow ko na ngayon ko lang 'yon napansin sa tagal ko ng tinitignan si Japan. Ang hirap naman kasing basahin nitong bansang 'to kaya hindi mo talaga maiisip na may nagugustuhan na pala sya. Ang masaklap at hindi ako 'yon.

"Pero bakit sya Japan?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sakin na naka-smirk. Napayukom ako ng palad.

"Simple lang. Mas attractive sya kaysa sayo." boom!

Parang isang bomba ang sinabi nyang 'yon sakin. Oo nga naman, maganda nga naman si Louise, malamodel ang itsura at sexy pa. Ano naman panama ko roon?

"Talaga lang?" nakangising tanong ko. Napakunot ang noo nya. Lumapit ako sa kanya. "Well, wala akong pakialam kung mas attractive sakin si Louise." tumigil ako sa harap nya. "Tumugon ka sa halik ko."

"Wag mong isipin na ginusto ko 'yon."

"Hindi nga ba?" natawa sya ng mapakla yung nakakainis na tawa.

"Ginawa ko lang 'yon dahil sa sobrang inis ko kay Jayden." napakunot noo ko. "Hinalikan nya si Louise." napaatras ako. Tumingin ako sa iba at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.

"Gusto mo talaga sya 'no?" tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya. Walang emosyon akong nakikita sa mga mata nya. Napayukom ako ng mga palad ko. "Hindi ako papayag." napakunot noo nya. Lumapit ako sa kanya at isinandal sya sa pader.

"What the heck Zoe?!" umiling ako. Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at iniligay sa ulunan nya. Pumapalag sya  pero hindi sya makakaalis.

"Akin ka Japan. Akin ka lang." hinalikan ko sya ng madiin.


Sa dalawang linggo na nakalipas ay maraming nangyari. Sa sobrang dami hindi mo na alam kung ano ang gagawin. Una, pagkabalik namin sa camp at katulad ng hula ko ay pinahirapan kami ng mga seniors sa training. Walang pahinga-pahinga. Mas malala ang naging training namin ngayon kumpara noon na mahirap dahil ngayon sobrang hirap. Nandyan ang ilang oras kaming nagpu-push up, sit ups, squats at kung ano pang work out exercise pero madalas kaming patakbuhin ng mga seniors. Sa isang linggo namin dito sa camp ay hindi nila kami pinaglaro. Humahawak kami ng bola para magshoot, magpasa at magdribble pero laro? wala talaga.

Melting Ice Princess 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon