Chapter 41: New

3.2K 127 3
                                    

Namahinga muna ako sa park. Kanina pa kasi ako tumatakbo patungong mall para bilhin yung kailangan sa project namin.

Si Third may ginawa ring project and so, hindi kami magkaklase kaya hindi kami magkapareho. Naintindihan ko naman iyon eh, sino ba naman ako para hindi intindihan sya diba? Girlfriend lang ako.

Wala na kasing vehicles kanina kaya eto! Takbo lang Sarina!

Nakarating na ako sa mall kaya nagtungo agad ako sa school supplies. Ano ba kasi itong nasa lista?

*Color Pen
*Marker
*Extended Folder
*Scented Paper
*Yarn
*Cardboard

Aish!

Saan ba makikita dito yung scented paper?

"Hello Ate! Saan po ba dito yung scented paper?" tanong ko sa isang empleyado dito

"Ay doon." sagot naman nya sabay turo sa harapan.

Tumango lang ako tinungo kung saan yung tinutukoy nya. Scented paper nalang kasi yung kulang ko.

Matapos kong bilhin lahat ng kailangan ko ay agad na pumunta ako sa counter para magbayad.

Nagpara nalang ako ng masasakyang jeep para makauwi.

Hays! Napagod ako dun ah.

Nasa school na ako. Agad na nagupit ako para mamaya kaunti nalang ang gagawin ko.. Matapos kung magupit, ay gumawa na ako ng iba't ibang designs. Good nga dahil hindi pumasok yung Science Professor namin kaya nagkaroon pa ako ng Time na gawin ito. Next subject kasi si arts na kaya mas mabuting may kagamitan na ako para handa ako mamaya at konti nalang ang aking gagawin.

-

May family meeting daw sila Third. Understand ko naman talaga sya always. I know kasi na mas importante pa yung family kesa sa girlfriend. Kaya heto ako ngayo,nag-aabang ng masasakyan pauwi.

5:30 na pero wala paring sasakyan. Sinimulan ko na ang paglalakad.

Napahinto na lamang ako dahil may biglang bumusinang sasakyan sa aking likuran.

Binaba nya ang kanyang binta. Sa Chulalongkorn sya nag-aaral base na din sa suot nyang uniform pero hindi ko sya namumukaan eh.

"Sakay ka na!" sabi nya.

Hindi ko naman sya kilala eh.

"Wag kang mag-aalala. Kaklase ako ni Third." Kaklase? Ganun pala. Thats why hindi ko sya nakita.

Pumasok nalang din ako sa sasakyan. Oo gwapo sya tska halatang mayaman. Pero may boyfriend na ako, na hinding hinding mahihigitan ng kahit na sino.

"Ano nga pangalan mo?" tanong nya sakin.

"Ah. J-jubjang Sarina"

"Ahh. Ako nga pala si Tristan"

"Ahh' tanging nasagot ko.

Ewan ko't magaan ang loob ko sakanya. Mukha syang mabait eh.

Bago na naman ba to?

Bagong tao sa buhay ko?

New?


Love Warning ⚠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon