Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

TDHU 6: Seven in the Evening

247K 6.5K 1.1K
                                    

TDHU 6: Seven in the Evening

DEVI PARKER

"Hey! Bakit ba tayo tumatakbo? May oras ba ang pagpunta sa Hell's Tower? Ikamamatay ba natin kapag nahuli tayo?" sigaw ko nang makapasok kami sa building, ilang metro ang layo sa Hell's Tower.

Pareho nila akong sinamaan ng tingin at itinapat ang hintuturo sa bibig nila, sinasabing manahimik ako. Palihim na lang akong napairap nang hindi man lang nila sagutin ang tanong ko at nagmamadaling tumakbo paakyat ng hagdan. Hindi ko alam kung anong building ito at kung saang part na ba 'to ng University but one thing's for sure, aakyat kami sa rooftop.

Kaso sa pagkakaalala ko, pupunta kami sa Hell's Tower? Bakit lumayo naman yata kami?

"Bitches! S-seriously? N-nasaan na ba tayo? Pagod na ako! I think I'm dying." Napahawak ako sa railings ng hagdan kaya't pare-pareho kaming nahinto sa pagtakbo.

Imagine, ang laki-laki nilang tao at ang laki rin ng hakbang ng dalawang bakla na 'to. Ano namang laban ko sa kanila? Kung sila, kaya nilang lagpasan ang isang palapag, puwes ako, hindi.

"Hoy! Gusto mo bang mamatay?!" Sambit ni Baks 1 sabay hila sa braso ko habang pinipilit na ilayo ako sa pagkakayakap sa railings. Mas lalo ko pang niyakap at idinikit ang mukha ko rito. I feel so tired again. Parang gusto ko na lang dito matulog habang yakap-yakap ang railings na ito. Ang lamig kasi nito dahil gawa ito sa bakal. Ang sarap tuloy sa pakiramdam dahil kinokontra niya 'yong init sa impiyernong 'to. "Tumayo ka na riyan bago pa tayo abutan ng Devil's Wave!" dagdag pa niya na nagpamulat sa mga mata ko.

"Devil's Wave? Ano 'yon?" kunot-noong tanong ko at pareho silang tiningnan. "At tsaka, 'di ba mas mamamatay ako kapag dinala niyo ako sa Hell's Tower kasi nga wala akong ibang paraan para makatakas? The only thing I can do is to die from the cold and starvation, or jump off from that tower, which would also kill me," bulyaw ko na parang isang lasing at gusto na lang ipikit ang mga mata at matulog.

"Not unless we have this." May kung anong kinakalikot si Baks 2 sa bulsa niya saka inilabas ang isang maliit na kulay pulang bagay na hugis square, sing laki ng 1 by 1 picture.

Napakunot ako ng noo sa hawak niya dahil mukha siyang laruan. Napakaliit lang talaga nito at may kulay itim na hugis bilog na pindutan ang nasa gitna nito na sakop ng hinlalaki niya.

"So tumayo ka na riyan babaita at huwag kang aarte-arte dahil pasalamat ka hindi ka namin iiwan dito at hahayaang mamatay," sabi ni Baks 1 at marahas akong hinila. Kaya't napaayos na lamang ako ng tayo at hinayaan na lang siyang kaladkarin ako paakyat samantalang si Baks 2 naman, ang higpit ng hawak sa maliit na bagay na iyon.

"Ano bang mayroon diyan? Masasalba ba niyan ang mga buhay natin?" Hinihingal na tanong ko saka huminto akong muli sa paglalakad kaya't pareho rin silang napahinto. Nakapapagod ang umakyat lalo pa't napakahaba ng hagdan patungong rooftop.

It just really looks like a toy na may pindutan sa gitna. Ano namang magagawa niyan? Kapag ba pinindot namin 'yan maglalabas ba 'yan ng shield para protektahan kaming tatlo? O 'di naman kaya, magiging invisible kami? Or numb? Or any power that will protect us para hindi mamamatay? Pathetic.

If it's already our end, we can't do anything to change what is meant to happen.

"Kami, oo, ewan ko lang sa 'yo." Tiningnan ako ni Baks 1 nang nakataas ang kilay. "Parang ang sarap mo tuloy iwan dito tapos hayaan na lang naming magkandabasag-basag 'yang mga buto mo hanggang sa hindi makontrol ang sarili nila't patayin ka," dagdag pa niya habang nagngingitngit ang mga ngipin na halatang kanina pagigil na gigil sa 'kin.

"Ano ba kasing mayroon? Hindi ko kasi naiintindihan. Puwede bang i-explain niyo sa 'kin kahit ilang minuto lang?" sarkastikong tanong ko.

Sana naman ipaintindi muna nila sa 'kin ang mga bagay-bagay hindi 'yong masisira utak ko kaiisip sa mga pangyayari. Baka tuluyan akong masiraan ng utak dahil sa sunod-sunod na tanong na tumatakbo sa isip ko.

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon