[P.D] CHAPTER 2: WISH'S EMBARRASSING MOMENT

721 36 2
                                    

A  S  H  E

"Oh Kiro! Kanina pa namin kayo hinihintay." salubong sa amin ni Silver pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng favorite cafe slash bar na tambayan namin at kasabay nun ang pag-akbay niya sa'kin. Napatingin agad ako kay Kiro and as expected, binigyan niya ng death glare si Silver.

"Pakitanggal 'yan bro." imik ni Kiro at bigla akong natawa sa reaksyon niya. Hanggang ngayon pinagseselosan parin niya si Silver kahit na alam niyang si Wish na ang gusto niya. Nalaman ko din pala na nagkagusto sa akin si Silver kaya ganun nalang ni Kiro pagselosan ang bestfriend niya haha.

"Ah-he-he-he." sabi ni Silver at tinanggal niya na ang pagka-akbay niya sa akin. Lumapit siya kay Kiro na tila parang may sasabihin. Hinigit niya si Kiro palayo sakin at pumunta sila sa isang sulok. Hinayaan ko nalang sila at tumabi na ako kila Wish.

Nagtataka siguro kayo kung bakit mga IGN parin ang tawagan namin kahit nasa real world na kami? Napagdesisyunan kasi namin na, tutal, 'yun naman na ang nakasanayan namin at dito kami sa mga pangalang ito nagkakilala, eto nalang ang gamitin naming pantawag sa isa't-isa. Medyo nakakapag-panibago kasi kapag mga tunay na pangalan ang ginagamit namin at aaminin ko, nagkakandabuhol-buhol ang mga dila namin dahil doon. Minsan, ay hindi pala minsan, madalas nila kaming napapagpapalit ni Wish. Natatawag nila akong Wish at si Wish naman ay natatawag nilang Ashe. Hahaha! kaya napag-usapan namin na, ganun nalang para wala ng lituhan.

Tumingin ako kila Kiro at pinagmasdan ko lang sila. Ano kayang pinag-uusapan ng dalawang 'yun? Maya-maya, biglang nanliit ang mga mata ni Kiro at nag-flat ang expression niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi sa kanya ni Silver.

Ano kaya 'yung binulong niya? Nakaka-intriga naman haha.

"Alam mo--hays. Madaming iba dyan. Hindi ako papayag." rinig kong sabi ni Kiro. Siguro may kalokohan nanamang plano 'yang si Silver. Tsk, tsk.

"Eh pero Kiro? Sige naaaaa oh please?" pagmamaka-awa naman sa kanya ni Silver.

"Nakakainis kang lalake ka! Argh! Nakakabwisit!" biglang imik ng katabi kong si Hiling kaya napatingin ako sa kanya. "Argh! Bwisit ka Silver!" sabi niya ulit.

Huh? Problema nanaman nito? Hmm, mukhang alam ko na. Nagtalo nanaman siguro silang dalawa. Hay nako, kailan ba hindi? Wala kayang araw na hindi sila nagtatalo. Tumatahimik lang sila kapag tulog.

"Oy kayong dalawa dyan, halina kayo dito at mamaya na 'yan." tawag ni Kuya Carl sa kanila at lumapit na sila sa amin. Umupo sa tabi ko si Kiro at si Silver naman ay umupo sa tabi ni Kuya Carl.

"Waiter, yung the usual please." nakabusangot na sabi ni Silver kay kuya Waiter.

"Hay sa wakas umorder narin. Kanina pa ako nagugutom eh!" naiinis na sabi ni Zeth. Naku, isa pa pala 'to. Mahirap galitin ang isang 'to kapag gutom! Kawawang Silver. Ano naman kaya ang pinagtalunan nila?

"Eh bakit kasi hindi ka pa um-order? Ako pa hinintay mo?" sagot sa kanya ni Silver.

"Ewan ko sayo kainis ka." sabi ni Zeth.

"Tss." bulong ni Silver at hindi na niya pinatulan pa si Wish.

"Ang sakit niyo sa ulo." sambit ni kuya Carl habang hinihimas niya ang ulo niya.

"Manahimik ka Carlo/Manahimik ka Kuya Carl!" sabay na sabi ni Wish at Silver.

"Aba at mas matanda ako sayo Silver! Tsaka anong Carlo pinagsasabi mo? Carl lang, without O!" sabi ni Kuya Carl kay Silver. "At ikaw naman Zeth, nasanay ka nang sigawan mo akong bata ka!" sabi niya naman kay Wish. Napaface-palm nalang ako. 

PHANTASIA DOMINUM: Rise Of The Forgotten WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon