Chapter 63: Iniisip

2.6K 87 2
                                    







~*~









(Cashmere's POV)







Isang linggo na ang nakakaraan nang dalhin ako ni Rence sa mundo ng mga tao. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung nasaan na ba si Andrew. Ang sabi kasi ni Jane ay apat na araw na daw itong nawawala matapos nitong maghanap sa akin sa paligid ng aming bayan. Nagpapasalamat naman ako kay Rence dahil dinala nya ako roon ngunit parang lalong bumigat ang aking damdamin sa palaisipang nawala ang isa sa mga matatalik kong kaibigan dahil sa akin, sa aking kapabayaan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumipsip sa inuming aking nasa harapan. Malamig ang aking inumin ngunit hindi man lang nito nabawasan ang init at bigat sa aking dibdib.

"Cashmere." Tawag sa akin ng malambing na boses ni Vanessa.

Napalingon ako sa aking mga kasama na may nag-aalalang mga mata.

"B-Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanila na lalong ikinabahala ng kanilang mga mukha.

"Isang linggo ka nang ganyan mula noong dumating kayo rito ni Cap at panglabing apat na pagbuntong hininga mo na yan ngayong araw simula kaninang umaga."

"So?" Nakakunot noo kong sambit. "Is there any problem with that?" Nagtataka ko pang dagdag.

Saglit na nagkatinginan sina Ferresa, Vanessa, Mariel at Michelle bago lumingon muli sa akin. Hinawakan ni Michelle ang aking kaliwang kamay bago ngumiti ng mapait.

"Napapansin naming may dinadamdam ka. Nais lamang naming ika'y matulungan."

Napapansin pala nila. Ganoon na ba ako ka-obvious? Malamang ay oo. Napabuntong hininga muli ako. Ayokong mandamay ng iba sa mga problema't katananungan na aking mga pasan. Bilang prinsesa ng kadiliman ay dapat manatili akong matatag at kayang sumuong ng mag-isa.

"Naiisip ko lamang ang aking nakaraan." Pagdadahilan ko. Half true and the half is lie.

"Isantabi mo na muna yan." Masungit na sabi ni Mariel bago ako irapan. "Bilang prinsesa ay nararapat lamang na alam mo ang kilos ng isang maharlika sa labas."

Napayuko naman ako. Noong mga nasa mundo pa ako ng mga tao at may limot na nakaraan ay hindi ako nababahala sa iisipin ng iba sa aking mga galaw. Sobra na akong naguguluhan. Nais ko nang makabalik at maging maayos na ang lahat.

"Wag ka namang ganyan Mariel, intindihin mo na lamang sya." Pagtatanggol sa akin ni Michelle.

"Tss. Intindihin? Ilang araw na kaya syang ganyan. Bilang maharlika ay hindi dapat nya ipakita ang ganyang kadramahan sa iba lalo na't isa ayang prinsesa ng kadiliman, maraming magtatangka na patayin sya gamit ang kanyang kahinaan!"

"Maharlika, maharlika, maharlika. Bukambibig mo na iyan bawat oras na namamalagi tayong magkakasama simula nang dumating tayo dito sa akademya galing sa ating huling misyon. Hindi ka na ba nagsasawa?" Naiinis na wika ni Vanessa.

"Sinasabi ko lamang para tumatak ito sa mga isip nyo."

"Pwes, tandang tanda na namin at sapat na ang lahat ng iyong pagpapaalala, nagmumukha lamang tayong mayabang." Hilestya naman ni Michelle.

"Tumahimik na kayo. Ngayon na ang ikadalawang araw ng kompetisyon para sa ranking. Hindi ba kayo nababahala? Napansin kong kakaiba ang mga kakayahan ng mga nagwagi kahapon na syang makakalaban natin ngayon. At isa na roon si Cashmere." Pagpapatigil sa amin ni Ferresa na kanina pa tahimik.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon