Pangalawa

15 4 1
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga sinabi ng Johann na yun. Agh!

~~Riing~riing~~

Napatingin ako sa cp kong nakapatong sa  kama nang tumunog ito.

"Hello" si Jackie ang tumatawag.

[" Sasama ka ba mamaya?" Please sumama ka na"] Ngayon nga pala yung sinasabi nyang paggala.

"Jackie naman, hindi ba pwedeng excuse muna ako dyan"

["Sige na please. Kung gusto mo ako na lang magpapaalam sayo kay ate Annie?"] Pagpupumilit pa nito.

"Sige na nga, ako na lang magpapaalam mamaya. Kaw talaga." Hayst! Kung hindi ko lang bestfriend ang bruhang to e.

["Yes! Sige bes text na lang kita mamaya kung saan ang tagpuan. Bye"] at pinatay na nya ang cp nya.

Kailangan kong matapos ang gawain ko ngayon para naman hindi masyadong nakakahiya kapag nagpaalam ako mamaya kay Ate Annie.

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagsimula ng maglinis.

***

Bandang alas 11 na ng makatapos ako sa mga gawaing bahay. Magluluto naman ako para sa pananghalian. Umalis saglit sila ate Annie kasama si Rica Mae pero babalik daw sila bago mag-tanghalian.

Nang matapos ako magluto tiningnan ko saglit ang cp ko baka nagtext ulit si jackie. Ngunit bumilis ang tibok ng puso ko nang ibang pangalan ang nakita ko sa screen ng cp ko.

Hi, Kumain ka na ba? Wag palipas ha. Alagaan mo sarili mo mamahalin pa kita.

Shemay naman oh! Tanghaling tapat nagpapakilig este ang corne ng Johann na to. Hinayaan ko na lang sya at bumalik na ulit sa kusina upang maghain na ng pagkain. I'm sure parating na sina ate Annie.

__

Maya maya lang dumating na sina ate Annie. Hinanda ko na ang sarili ko upang magpaalam. Sana payagan ako.

"Ate kain na po kayo, naghain na po ako" sabi ko nang makapasok sila ng tuluyan.

"Wow! Handa na agad ah, kumain ka na ba Hana? Tara sabayan mo na kami" 

"Naku hindi na po mamaya na lang po ako tutal busog pa naman po ako" tanggi ko. Nakakahiya namang makisabay sa kanila.

Nagpakawala ako ng hangin. Magpapaalam na ako.

"Ate Annie" simula ko.

"Bakit?"

"Gusto ko po sanang magpaalam, may pupuntahan lang po ako. Babalik din po ako mamaya" medyo nanginginig pa ang boses ko ng sabihin yun.

"Ganun ba? Sige pero wag ka masyadong magpagabi ha" para naman akong nabunutan ng tinik ng pumayag agad sya. Ang bait talaga ni ate Annie.

"Opo, salamat po" nakangiting sabi ko.

Nagpunta muna ako ng kwarto upang i-check ulit ang cp ko. May nagload sa akin?

Binuksan ko pa ang isang message.

"Hi, nareceive mo ba ang load? Text mo ako kung nareceive mo ha."

Pinaloadan ako ni Johann malamang naisip nun wala akong load kaya hindi ako nagrereply sa kanya.

Magtatype na sana ako upang replayan si Johann ng may mareceive akong text. Galing kay Jackie.

'Hey bes nakapagpaalam ka na ba? Sa may 7-11 na ang ating tagpuan at 2-pm sharp'

Okay. Reply ko.



___



"Oh nandito na si Hana" rinig kong sabi ni Jackie. Bumaba na ako sa tricycle at nagbayad dito.

"Akala ko talaga iindyanin mo na kami e" nakangiting wika sa akin ni Paul nang makalapit na ako sa kanila.

"Marami pa kasi akong ginawa e. Alam nyo namang working student ako di tulad nyong student lang" paliwanag ko sa kanila. Bale 6 kami. Si Jackie, Paul, Kristine, Jacob, Zaimon at ako. Actually mga barkada lang sila ni Jackie kaya lang naman ako napasama dahil bestfriend ko nga sya kaya sa tuwing may lakad sila madalas napapasama ako.

"Sus! Nagdrama ka na naman bes. Tara na nga" nag-aya agad si Jackie.

"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko kasi di pa pala nababanggit ng mga to kung saan talaga kami pupunta.

"Secret" sumilay ang ngiti sa labi ni Paul. Nagkibit balikat lang ang apat.

"Uuwi na ako" nagsimula na akong maglakad. Walk out ang peg ko. Kasi naman my pa secret secret pang nalalaman.

"Oopss! Di ka na mabiro. Mag-mamall lang tayo, dating gawi. Ikaw naman." Hinila ako pabalik ni Zaimon. Ngingise-ngise naman yung apat nang tingnan ko.

Kaya naman nagsimula na yung 3 lalaki na buhayin ang kanilang motor. Magmomotor na naman kami papunta dun. Kaya naman kanya kanya na kaming umangkas, ako kay Zaimon, si Jackie ay kay Paul at si Kristine kay Jacob.

Wala naman kaming ginawa kundi gumala lang sa loob ng mall. Minsan naglalaro ng games yung mga boys. Habang kami namang babae tumitingin tingin ng mga damit at accessories.

Tumitingin tingin lang talaga ako  at wala akong balak bumili.

Nang mag-sawa na kami napagdesisyonan naming kumain muna sa isang fast food chain na nandito.

"Guys narinig ko kanina parang may bandang tutugtog daw dito maya maya lang. Tara manuod tayo" masiglang wika ni  Jacob ng makarating silang dalawa ni Kristine galing sa counter upang umorder ng kakainin namin.

"Anong oras ba?" Tanong ni Paul habang nakatingin sa wrist watch nya. Kaya naman napatingin din ako  sa relo ko.

Shit! mag-6pm na. Kailangan ko ng makauwi. Ang tagal naman ng in-order namin.

"7pm daw. Pero rinig ko ding nandito na yung isang bandang tutugtog. Nag-peprepare na"  pagkasabi ni Jacob nun bigla na lang tumili itong si Kristine.

"Oh! My G! I think they were here" .

Kaya naman tiningnan ko rin kung saan sya nakatingin.

Pero ganun na lang ang gulat ko ng makilala ang isang miyembro nila.

"Papalapit sila dito sa ating pwesto guys!". Sabi naman ni Jackie na halatang pinipigilan ang tili.

" Tsk!" rinig kong sabi ni Paul.

Habang palapit ng palapit sila parang unti unti rin akong kakapusin ng hininga. Ngayon ay nakatingin sya sa akin.

"Queennie texted me, hinahanap ka na daw ni Ate Annie. Akala nya ako ang kasama mo. Ilang beses ko na ring tinawagan ang phone mo pero hindi mo sinasagot."

Literal na napanganga ako sa sinabi nya. Lagot na talaga ako nito kay Ate Annie. Napansin ko ring napanganga ang mga kasamahan ko sa sinabi ni Johann sa akin. Nararamdaman din kaya nila ang nararamdaman kong kaba ngayon dahil lagot ako nito kay ate Annie?.

"We still have 1 hour, kaya ihahatid na muna kita sa inyo"

"What?" Biglang nabaling ang tingin namin kay Zaimon ng magtaas ito ng boses.

***************************

A/N: please votes and comments.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 So much LoveWhere stories live. Discover now