Chapter 10 -- Let Love Bleed Red

21 0 0
                                    


Thursday
MaryXavier University
2:00 pm

"Hey, Jared." Bati ng isang magandang babae kay Jared na noon ay nasa hallway sila ng School ni GK at papunta na sana sa kanilang classroom.


"Uy, Kate." Ani Jared.


Nagtataka tuloy itong si Gk kung sino itong magandang babaeng tumawag sa atensyon ng kanyang boyfriend. Who the hell is this girl? Jared's friend? NO! Kilala ko lahat ng mga kaibigan niya. Nakita niyang pa haplos haplos pa itong babae sa kamay ni Jared habang kinakausap ito. Hey, bitch he's mine!


"I really enjoy your company last night. You're fun to be with." Sabi nang magandang babae kay Jared.


Hello? The girlfriend is here. What the? Anang isip ni Gk. Sa totoo lang nagsisimula na siyang umusok sa inis.


"Masaya ka din kasing kasama, kaya enjoy na enjoy din si Mart." Sabi naman ni Jared.


Hey, asshole, I'm here. At tuwang tuwa ka pa habang kinakausap ang babaeng 'yan ah. Hindi na tama 'to. I need to do a move. Sabi naman ng isip ni Gk.


"Kailan ulit tayo lalabas?" Malambing na tanong ng babae.


Nang sumingit na sa usapan si Gk lumapit din siya sa dalawa at kinawit ang braso niya kay Jared. "Hey, if you'll excuse us, aalis na kami ng 'BOYFRiEND' ko at may mas importante pa kaming gagawin." She fake a smile. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkaka hapit kay Jared. Kaya napatingin na si Jared sa kanya.


"Ay, kasama mo pala ang girlfriend mo." Sabi naman nung babae.


"Oh yes, I'm his girlfriend."


"Sige, Jared, mauuna na'ko. Kita na lang tayo sa susunod." She waved at Jared then she leave.


"Wala nang next time, no." Inis na sabi ni Gk pagka alis nung babae. Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso ni Jared. "At ikaw naman, tuwang tuwa ka pa habang kinakausap ang babaeng 'yon."


"Anong gusto mong gawin ko? Sumimangot? Dapat nakangiti lagi kapag kinakausap ka ng ibang tao para good vibes lagi." Paliwanag naman ni Jared.


"Sino ba ang babaeng 'yon? Bakit kayo magkasama nung isang gabi. At nag enjoy ka pa talaga ha?" Nagpameywang na siya.


Natawa tuloy si Jared sa reaksyon ni GK. "Ang ganda pa rin ng girlfriend ko kahit na nagseselos na."


"Who told you na nagseselos ako? Naiinis lang ako kasi panira siya ng moment, tapos kung maka haplos sa'yo akala mo boyfriend ka niya."


"Yun nga, nagseselosa ka."


"Hindi nga sabi eh." Kinuha ni Gk ang mga gamit niya at naglakad na paalis at siyempre sinundan siya ng boyfriend.


"Si Kate yun." Sabi naman ni Jared.


"Tss Kate? Ang pangit ng pangalan.


"Yun yung ka text ni Mart, nagkita sila sa Greenbelt nung isang gabi. Yung sinabi ko sayong nagpasama sa'kin si Mart kaya hindi agad ako nakauwi sa bahay."


Hindi sumagot si Gk, nakikinig lang siya sa eksplanasyon ni Jared.


"Iniisip mo bang may gusto ako dun?" Hindi pa rin sumagot si GK. "Alam mo namang ikaw lang talaga ang gusto ko. Kahit sino pang babae ang lumapit sa'kin, ikaw pa rin ang nag iisa dito sa puso ko." Niyakap na niya si Gk kahit na nakatalikod pa sa kanya ang girlfriend. Huminto sila sa paglalakad. "Nakasarado na ang puso ko sa ibang mga babae, tanging ikaw lang ay may hawak ng susi nito. Kasi ikaw lang nag ma-may ari ng puso ko wala ng iba."


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon