Chapter 11 -- How To Save A Life?

23 0 0
                                    

Ilang araw ding hindi nagparamdam si Gk kay Jared. Hindi siya pumapasok sa mga klase niya. Nagkukulong lang siya sa tinutuluyan niyang kwarto. At kung lalabas man siya ay sigurado sa mga bar ang punta niya. Hindi na niya sinasagot ang mga text at tawag ni Jared.


Nagbalik na naman ang dating GK. Yung GK na makapal ang eyeliner at emo ang porma. Pati ang ugali niyang masungit at suplada, ay tila nagbalik ulit.


Nang pumasok na siya sa MaryXaiver, tulad ng dati tila hindi niya kilala si Jared, pati na rin ang iba. Iniiwasan niya ang mga ito at hindi pinapansin. They were strangers once again.


Itong si Jared gustong gusto namang lapitan at kausapin si Gk, hindi lang siya makahanap ng tamang pagkaka taon. Si Miggy lang ang laging kasama nitong si GK. Kaya tuloy hindi maiwasang magselos ni Jared.


Nasa gymnasium ng MaryXavier ang buong klase nina Gk. P.E kasi ang subject nila. Nakaupo lahat sila sa sahig. Nasa dulong hulihan lang si Gk, walang kibo. Kanina pa pala siya sinusulyapan nitong si Jared.


Nagsimula na ang kanilang klase nang mag announced ang prof nila ng kanilang next activity. Everyone will have their partner for their Dance number. Nang marinig ni Gk na si Jared ang magiging partner niya, tumaas ang isang kilay niya at parang isang tigre ang galit.


"I'm sorry, pero ayoko." Protesta ni Gk sa prof nila.


"I'm sorry too, but once you are called that is final. Next partner will be---"


Tumayo si GK at kinuha ang mga gamit niya.


"Where do you think you're going Miss Diorama?" Tanong ng prof nila.


Hindi sumagot si Gk tuluyan lang siyang lumabas ng gym.


Hindi makatiis si Jared kaya sinundan niya ito. "Gk." Habol na sabi niya.


Alam ni Gk ang boses na tumawag sa kanya, napahinto lang siya sandali sa paglalakad pero hindi niya hinarap ito at naglakad na ulit siya. Pilit pa rin siyang hinahabol nitong si Jared. Kaya naisipan niyang pumasok sa loob ng Ladies room.


Nang ilang sandali pa ay hindi niya inaasahang susundan din siya do'n ni Jared at sinara pa niya ang pintuan at ini lock.


"You're not allowed in here. Get out!" Inis na sabi ni Gk.


"Gusto lang naman kitang kasuapin."


"Kaya nga kita iniiwasan kasi ayaw kitang makausap, 'ni ayaw nga kitang makasama. Tinanggihan kitang maging partner sa dance number kasi ayoko sa'yo. Hindi mo ba makuha 'yon?"


"Hindi mo rin ba makuha na gustong gusto kitang makasama kahit pa pinag tatabuyan mo'ko? Kahit na iniiwasan mo'ko, heto pa rin ako habol ng habol sa'yo."


Hindi sumagots si Gk napabuntong hininga lang siya.


"Pwede pa naman nating ayusin ang hindi natin pagkaka unawaan noon. Hindi pa naman huli ang lahat diba?" Pagmamaka awang sabi niya kay Gk. "Hindi ko kaya ang ganito tayo."


"Kailangan mong kayanin. Jared, hindi ako ang babaeng para sa'yo. Magulo ang buhay ko, walang direksyon. Rebelde. Samantalang ikaw, maayos na maayos ang buhay mo. Dean's lister kapa nga. Mabait ka, masama ako. Hindi tayo bagay."


"Wala akong pakialam kung magulo man ang buhay mo. Aayusin natin 'yon. Bibigyan natin ng direksyon ang buhay mo. Basta magkasama tayo."


"Ayokong idamay ka pa sa mga problema ko."


"Magkasama nating aayusin ang mga problema mo. Hinding hindi kita iiwan. Gk, mahal na mahal kita."


Suicide LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon