CHAPTER 3

37.2K 533 21
                                    


CHAPTER 3

PARTY

"oh dear ang ganda ng anak mo " rinig kong sabi ng kaibigan ni mommy. Maya-maya lang mag uumpisa na ang party ko. May hinihintay pa daw kasi silang bisita. Dapat daw kasi kumpleto na. Eh marami naman ang mga dumating halos kumpleto na nga eh. Sino ba yung hinihintay nila mommy at para bang sila yung pinaka importante kaysa sa magce-celebrate?

"Thanks Lidia alam mo naman nagmana samin yan." sabi pa ni mommy. Napailing-iling nalang ako sa kanilang dalawa. Umalis nalang ako doon at pumunta sa aking kwarto para makagpahinga at makapag relax.

"Bakit pakiramdam ko parang may hindi magandang mangyayari? " tanong ko sa aking sarili. Oo kasi eh pakiramdam parang may mangyayari talaga mamaya. Ano naman kaya yun kung meron? o baka naman pakiramdam ko lang iyon? Napabuntong hininga nalang ako sa aking naisip.

Ano ba yan birthday na birthday ko at ganito ang iniisip ko. sabi ko sa sarili. Tumayo ako at pumunta sa bintana ng aking kwarto. Gawa sa glass ang aking bintana dahil ito ang gusto ko. Gusto ko kasing makita ang ganda ng labas ng mansyon namin kaya ito ang pinili ko. Ganun din naman sa baba malapit sa garden glass wall din ang nandoon dahil mas makakadagdag sa ganda kung iyon ang gaagwin.

Mula dito ay kitang kita ko ang mga bisita na masayang nag-uusap. Malamang tungkol sa kani-kanilang mga negosyo ang kanilang pinag-uusapan.Ano ba nga naman ang aasahan mo pagdating sa mga party ng mga mayayaman? puro negosyo ang bukambibig nila. Halos lahat ng mga bisita ko ngayonng gabi ay hindi ko kilala. Wala naman kasi akong masyadong kaibigan bukod kay Nichelle at Alexandra. Kaso ang problema nga lang ay nasa Greece si Nichelle ngayon at nagbabakasyon kasama ang parents niya sila tita at tito.Nag ta-train na din kasi siya para sa kanilang kompanya.

I'm already 22 years old and yet ang bata ko pa para sa ganyan . Magka edad lang kami ni Nichelle at laking pasasalamat ko dahil hindi pa ako sinasabihan nila mommy at daddy tungkol sa pagpapatakbo ng negosyo.

Pero nararamdaman ko na rin na soon itetrain na ako ni dad para sa business namin. In fact kami ang may ari ng mga Airlines, restaurants, malls , parks, company sa ibat-ibang bansa sa London, Japan, Greece, Spain, Korea, America, Amsterdam, North Pole at marami pa sympre meron din kaming negosyo ng iba't- ibang mga brands ng bags at damit pati na din ng ibang mga cosmetics . In short Fashion. Si mommy kasi ang may hilig diyan and I'm so lucky na mahilig si mommy jan kasi ganun din ako. I love fashion very much kaso hindi naman sobra sobra. Yung tama lang. Hindi naman kasi lahat ng sobra ay nakakabuti. Katulad nalang ng pagmamahal. Kapag sobra sobra na ang pagmamahal mo sa isang tao maaring mahantong yan sa isang hindi magandang pangyayari.

Okay naman kung sobra sobra yung pagmamahal mo sa kanya . Mas sobra mas maganda sa pakiramdam. Depende nalang sa tao kung paano niya dadalhin ang' sobra' na iyan.

In my 22 years of existence I'd never had experience having a boyfriend dahil nga sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko na hindi ko naman maintindihan.

"Maam Andrienne pinapatawag na po kayo sa baba. Magsta-start na daw po yung party. Dumating na po kasi yung hinihintay nila maam at sir." sabi ng isa sa mga kasambahay namin na si Manang Norite. Tinanguan ko na lamang siya at agad na sumunod sa kanya pababa.

Hindi ko mapigilang kabahan habang papunta sa likod ng grand staircase. Relax Adrienne. Relax okay? . Today is your birthday so relax. Pagpapakalma ko sa sarili ko at naghanda na habang hinihintay na tawagin ang pangalan ko.

_____

oh? ano? haha sorry sa matagal na pag update. Masyado kasi akong nabaliw sa asawa ko haha kidding. May sinosoportahan kasi akong KPOP group. Yung BTS at Twice haha.

Sino ang fan ng BangTwice dito?

Lovelots :*

The Billionaire's Obsession [R18] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon