Chapter 40

32.5K 1K 435
                                    


Left's POV

Kausap ko ngayon si Ate Yani, sinabi ko sa kanya na nakausap ko na ang mga magulang ko tungkol samin ni maid at sinabi ko din sa kanya na kami na. Nung una tuwang tuwa sya pero nung malaman nya ang pwedeng gawin samin ni lolo ay nanahimik sya. 

Na-meet nya na kasi si lolo nung minsan na napunta sila sa Japan ni Kuya para dalawin si lolo. Masasabi nga nyang galit na galit ang lolo sa mga gays dahil sinabihan sya ni kuya na wag babanggitin na isang Bisexual sya dahil paghihiwalayin daw sila ni Kuya kapag nalaman ni lolo. Iisipin ni lolo na mangyayari din ang nangyari sa kanila ni lola.

Nakakatakot din daw ang itsura ni lolo nung nakakausap nila ito. Parang pinagdududahan pa sya at grabe daw ang mga tanong sa kanya ni lolo, lahat inaalam. Nagpapasalamat nga daw sya na hindi nya nasabi ang pagiging Bisexual nya kundi hindi sila maikakasal. Pero kahit masagot daw ni Ate Yani ang mga tanong ni lolo ay sinabihan pa din ito na hindi nya gusto si Ate Yani para kay Kuya.

"Grabe Left! ang pranka ng lolo nyo sa totoo lang. Harap harapan ko talaga nya sinabi yon." sabi nya. Natatawa naman ako sa itsura nya dahil badtrip na badtrip sya sa lolo namin. "Mabuti na lang tatlong araw lang kami don. Ang hirap tiis ang lolo ninyo."

"Seryoso talaga si lolo kaya minsan ayaw din namin na nandito sya o pupuntahan namin sya sa Japan. Palagi na dapat na susunod ang mga gusto nya at ayaw nya ng maingay. Alam mo naman kami kapag nagkakasama na magkakapatid parang isang taong hindi nagkita sa sobrang ingay lalo na yung triplets at si Leaf kaya palagi kami napapagalitan non eh." sabi ko. Nailing sya.

"Paano yan? nasabi sakin ni History na uuwi ang lolo ninyo ngayong buwan." sabi nya na ikinagulat ko.

"Seryoso?!" mygod! hindi pa ako ready! takte kakaumpisa palang namin ni maid may problema agad yung malala pa.

"Yes. Kakasabi lang sabi ni History kanina." sabi nya at napabuntong hininga. "Masaklap lang ay nandon din ako sa oras na dumating sya. Putek, kinakabahan ako."

"Paano naman ako 'no?" sabi ko. Napapikit ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko pagdumating na si lolo.

Oo sinabi kong pro-protektahan ko si maid kay lolo pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis na mangyayari kapag dumating na sya. Ni hindi ko pa nga alam kung paanong paraan ko sya mapro-protektahan dahil hindi ko alam kung paano maglaro si lolo. Walang masyadong detalye ang sinabi sakin paano sinaktan ni lolo si Mommy Elizabeth kaya hindi ko alam kung ano gagawin ni lolo kay maid kung sakaling malaman nya. Naman oh.

"Hey girls." napatingin kami ni Ate Yani kay Mama.

"Ma, darating si lolo ngayong buwan, totoo ba yon?" tanong ko. Napalitan ang nakangiting mukha ni Mama sa pag-aalala.

"Oo kaya mag-ingat kayong dalawa ni Nissan pati na ikaw Yani. Sigurado, papanoorin ka ni Papa lalo na ikakasal na kayo ni History." sabi ni Mama kay Ate Yani.

"Kaya po kinakabahan na ako eh." sabi nya. Niyakap sya ni Mama.

"Wag kang mag-alala nandito kami ng Papa Cyrus mo. Pro-protektahan namin kayong tatlo kay Papa." sabi ni Mama. Napangiti naman ako. "Sige na, hinahanap ka na ni History. May pupuntahan daw kayo." dagdag nya pa at kumalas sa yakap kay Ate Yani.

"Sige po. Bye Left." ngumiti ako kay Ate Yani at umalis na sya. Naiwan na lamang kami ni Mama.

"Tara, may ipapakilala ako sayo." sabi nya.

Nagtataka ako kung sino yung ipapakilala nya sakin pero sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kotse. Mas lalo akong nagtaka dahil akala ko nandito lang sa resort, lalabas pa pala kami ng resort.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon