Chapter 170

770K 28.6K 9.6K
                                    

Cyrus Velasco

Jay-jay's POV

*Flashback...*

"Meron kayong bagong classmate!" Announce ni Ma'am.

Pakihanap ang paki ko!

Meron syang sinenyasan sa may pinto at pumasok ang isang lalaki. Matangkad sya at singkit ang mata. Dahil may itsura agad na nagtilian ang mga kaklase kong uhaw ata sa pagtingin ng gwapong lalaki.

"Hello... I'm Cyrus Velasco. 16 years old. Nice to meet you all. I'm your new classmate." Sabi nya at ngumiti.

Tss. Malamang!

Bigla nalang nagtama ang tingin namin. Agad akong umiwas, wala akong interes sa kanya. Muka syang mayabang---man pala.

Meron sinabi si Ma'am na hindi ko na maintindihan. Nakakatamad makinig!

Bigla nalang nasigawan yung mga kaklase ko sa unahan. Mukang naghahanap na sya ng uupuan. Nagpangalumbaba ako at tumingin sa bintana.

Mas masarap pang pagmasdan ang alikabok na nakadikit sa salamin ng bintana. Mula sa gilid ng mata ko nakita ko yung mga kaklase ko na nakatingin sakin.

Problema ng mga to?

Inis kong tinignan ang mga luko. Dun ko lang napansin na lahat sila nakatingin sakin. Huminto ang mata ko sa lalaking nasa harapan ko at nakangiti sakin.

"Can i?" Tanung nya habang nakaturo sa upuan sa tabi ko.

"It's taken." Bored kong sagot.

"Wala namang naka-upo dyan." Singit ng isang kaklase ko kaya tinignan ko sya ng masama.

"Shut up!" Sigaw ko sa kanya at nakakuha naman ako ng matalim na irap bilang sagot nya.

"By who?" Casual nyang tanung.

"By my bag." Mabilis kong nilagay ang bag ko don. "...See?"

Tumawa sya ng malakas. Bigla nalang ako nairita sa tawa nya nayun. Ang dami-daming bakanteng upuan tapos dito sya uupo. Nang-aasar!

"Wag kang tumawa! Seryoso ko... Nag-aaral sya oh!" Sabay turo sa bag kong bahagya'ng nakabukas at nakadila ang mga basura.

Tumawa ulit sya dahilan para lalu akong mainis.

Gago ata!

Bigla nalang nya'ng kinuha ang bag ko at binalik yun sakin. Naupo sya sa bangkuan sa tabi ko at ngumiti na naman.

"You're cute." Sabi nya.

"Anak ng pvta!" Inis na sabi ko.

"Ms. Mariano!" Sigaw sakin ni Ma'am.

Andyan pala sya?!

"Po?"

"Sa Guidance Office, ngayon na!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. Yari kayo sakin mamaya. Bwisit naman kasi!

*EndOfFlashback...*

Kulang dalawang taon na ang nakakalipas simula nung pumasok sya sa room namin at nagpakilala.

Muka syang mabait at dahil may itsura, maraming humanga sa kanya. Pero balat kayo lang ang lahat ng yun.

Dahil baliw si Cyrus, puno ng kayabangan at uhaw sa kasikatan.

"I knew you'll come back." Sabi nya at naglakad palapit sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon