"Be mine and i'll make you my queen." - L.JOE
--
/DASURI/Ilang araw na rin ang lumipas mula nang huling beses na paguusap namin ni Kai. Sinubukan ko syang kontakin pero out-of-coverage ang phone nya. Maski sa school hindi na rin sya pumapasok. Bumalik na yung dati naming professor sa subject nya kaya ayon back to normal na naman ang buhay estudyante.
Sinubukan ko rin naman syang puntahan sa dorm nila kaso nahihiya ako sa mga kamyembro nya baka kasi galit rin ang mga ito sa akin dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Si Sehun naman, nagbabakasyon mag-isa kaya di ko na rin maistorbo.
Napamulat ako nang mata nang marinig ang pagtawag sa'kin ni Mama. Mukhang sumisigaw ito mula sa sala. Sa totoo lang, tanghaling tapat na pero mas pinili kong manatili dito sa loob ng kwarto ko. Wala kong lakas para lumabas. "Dasuri, Iha! Lumabas kana dyan sa kwarto mo. May bisita kang nanghihintay dito sa sala."
Napabalikwas ako nang marinig ang sinabi nya. "Kai.." bulalas ko sabay takbo palabas ng kwarto.
Halos magkandarapa pa ko dahil sa sobrang pagmamadali. Hindi ko alam pero sya agad ang pumasok sa isip ko nang sabihin ni mama na may naghihintay sa'kin sa sala. Kahit walang kasuklay-suklay ang buhok ko. At kahit gusot-gusot na ang aking damit dahil sa pagkakahinga. Hindi ko na ininda iyon ang mahalaga ay makita ko ang asawa ko.
"L.joe? Bakit ka nandito?" May halong pagkadismaya kong pahayag nang makita ang tinutukoy ni mama na bisita ko.
"You look dissapointed to see me. Halatang hindi ako ang gusto mong makita rito." Medyo natauhan ako nang marinig ang sinabi nya. Lumapit ako rito habang inaayos ang sarili.
"Hindi naman sa ganon. Ano lang...nagulat lang ako. Hindi ko kasi inaasahan na pupunta ka dito. See? Ang gulo-gulo ng ayos ko. Hehe." I smiled awkwardly.
Sinagot naman nya 'yon ng matamis na ngiti, "No need to impress me. Lagi ka namang maganda sa paningin ko kahit ano pa ang maging ayos mo."
"Ashush. Nambola pa. Pero seryoso, bakit ka nandito?" Umupo ako sa sofa katabi nya. Tumikhim naman ito bago magsalita, "Can you go out with me?"
Napataas ang kilay ko nang marinig iyon. Tinitigan ko sya't pilit inaalam kung nagbibiro ba ito. "Hey! Pinagtitripan mo ba ko?"
Last time I remember, pinagtutulakan na nya ko pabalik kay Kai tapos ngayon aayain nya kong mag date? Is this some kind of a joke?
He looks into my eyes and answered, "No, I'm f*cking serious Dasuri."
"Go on a date with me. Just for the last time." He begged.
****
I breathe heavily habang pababa nang hagdan. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong gagawin ko. Pero nung makita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni L.joe, wala kong nagawa but to say yes.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa nang makalapit ako sa kanya. Nakapaskil sa mukha nya ang napakatamis na ngiti. "You never stop to amaze me, Dasuri. You're so beautiful." Saad nito habang nakatitig sa'kin.
Napasulyap naman ako sa kabuuan ko. Wearing my simple pink dress.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias