1- Rifka

20.5K 515 105
                                    

"Rifka, it's time."

Dahan-dahan na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaluhod sa harap ng puntod ng kanyang kinilalang ama. Tapos na siyang magpaalam dito at kailangan na niyang umalis.

Caesar Antoninus Kirkpatrick
Aug 17, 1307- Feb 20, 2017

"Uuwi po ako rito kapag handa na ako. Pangako," naiiyak na kausap niya sa tombstone na nakatayo at hanggang beywang niya ang taas. Inipit niya sa kanyang kanang tenga ang ilang takas na hibla ng kanyang buhok. She had silver-gray hair, the trademark hair color of Faiga Vampires, that reached her lower back.

"Rifka," muling tawag ng kaibigan niyang si Neschume. Isa ito sa tatlo niyang mga kababata. Katulad niya ay silver-gray din ang buhok nito ngunit hanggang leeg lang. Rifka was the quiet one while Neschume was the wild child. Ito ang lageng utak sa mga kalokohan nilang magkakaibigan.

"Hinihintay ka na ni Papa," sabi naman ng isa pa niyang kaibigan, si Beynish, ang lalaking gusto ni Neschume. He was the playful one.

"Okay ka lang?" malumanay na tanong ni Atira. Kind, smart, hardworking, her Atira. Kadalasan nitong binibigay sa mas nangangailangan ang pera o pagkain nito. Kaya kadalasan itong nakikitang nangingisda sa malakawak na lawa o kaya ay nasa farm. Rifka and Atira had been having mutual feelings toward each other. He was her first kiss, her only kiss. Pero wala silang usapan tungkol sa commitment.

Sa totoo lang, she asked several times to make it official pero ayaw muna ni Atira dahil hindi pa ito handa ngayon. Sabi nito, they had forever to sort out things like that.

At mas lalong hindi na muna ngayon dahil aalis siya. Lalayo siya sa bayan na kinagisnan niya dahil kailangan.

"Handa ka na, hija?" tanong ng ama ni Beynish na siyang kutsero niya ngayon. Si Mr. Ephraim. Nakaupo ito sa labas ng carriage na hila-hila ng apat na kabayo.

"Opo," magalang niyang sagot.

"Mami-miss ka namin," mahigpit siyang niyakap ni Neschume at gan'on din ang ginawa ni Beynish.

"Mami-miss ko rin kayo ng sobra," sagot ni Rifka habang umiiyak.

Huling yumakap sa kanya si Atira. Halos ayaw na siyang bitawan nito at naramdaman na lang niya ang pagkabasa ng balikat niya at ang pagyugyog ng mga balikat nito.

"Babalik ako," bulong niya na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap dito.

"Wag mo kaming kalilimutan," parang bata na pakiusap nito nang tingnan s'ya nito sa mga mata at agad naman siyang tumango.

"Hinding-hindi ko kayo makakalimutan," sagot niya saka pinunasan ang mga luha nito gamit ang kanyang mga kamay.

Hindi na ito sumagot. Yumuko ito at sinakop ang kanyang mga labi. His kiss was deep and longing. Parang sinasabi nitong alalahanin n'ya ito kahit na anong mangyari. She responded to him. She made him feel secured.

"Babalik ako," nasabi na lamang ni Rifka nang tumigil sila sa paghalik sa isa't isa.

"Maghihintay ako," sinserong sabi nito saka siya pinakawalan. His eyes were red from crying. His face was damp with tears.

"Tayo na, Rifka, bago pa may makapansin sa atin dito," untag ni Mr. Ephraim. He looked like he was in his early thirties but Rifka knew that he was almost four hundred years old.

Inalalayan siya ni Atira sa pagsakay sa carriage at ipinasok naman ni Beynish ang nag-iisa at luma niyang luggage. Isinara na ni Atira ang pinto kaya sumilip na lang siya sa bintana na natatabingan ng kulay pula na kurtina.

"Mag-iingat ka," sigaw ni Neschume at kumaway na lamang siya habang papalayo sa mga ito.

Nang mawala sa paningin niya ang kanyang mga kaibigan ay naramdaman ni Rifka ang labis na pangungulila. Ito ang unang pagkakataon na aalis siya ng Faiga. Unang pagkakataon na mamumuhay siyang malayo sa mga mahal niya sa buhay.

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon