2- Safe Walls

10.7K 434 46
                                    

"I can't give her blood, Tiana. Narinig mo ang sinabi ni Gaius. She fainted after he gave her blood. And she was in a critical condition for days. Kahit wala na siyang malay ay patuloy pa rin siya sa pagsusuka ng dugo. Some were even almost black," sabi ng lalaking nakasuot ng puting lab coat.

"Look at her. She's dying, I think. Sampung araw na siyang tulog, Erick. Lagot talaga ako nito sa school board. Alam mo bang nataranta pa si Director Brisbois nang makita niya 'yung sulat na nasa luggage ng babaeng 'to?" sagot naman ng babaeng nakasuot ng maroon na blazer, black undershirt na may nakakabit na maroon na ribbon, black pleated mini-skirt at black knee-high stiletto boots. Sa kaliwang dibdib nito ay ang itim na nameplate na may nakasulat na gold letters.

Bloodworth, T.S. 

"Hintayin natin na magising s'ya, okay? Don't be so impatient," malumanay na sagot ng doctor na mukhang nasa early twenties.

"Fine. Basta call me kapag nagising na s'ya, okay? Kailangan ko pang i-report sa School Board ang condition n'ya."

"Alright," kalmadong sagot naman ng doctor.

Nang makaalis ang babae ay s'ya namang pagdilat ng mga mata si Rifka at agad naman siyang napansin ng doctor.

"Hey. You're awake. Ako nga pala si Dr. Erick, your doctor," his voice was calm and soothing. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"N-Nasaan ako?" panay ang tingin ni Rifka sa paligid at mukhang natatakot pa.

"Nandito ka sa Infirmary ng Sentry Academy. Dinala ka rito ni Gaius ten days ago."

Nakahinga ng maluwag si Rifka nang malamang nasa Sentry Academy na siya.

"Hey, are you okay?" tinitigan ng doctor ang mga mata ni Rifka na nagkulay orange at pinagpapawisan nanaman ang dalaga.

"D-Doc, kailangan ko po ng dugo ng kahit na anong hayop. Hindi po dugo ng tao," desperado niyang sabi at nakita niya ang gulat sa mukha nito pero agad naman itong tumango.

"We don't store animal blood usually but I can find you some. Wait here," anito saka siya mabilis na iniwan.

Inilibot ni Rifka ang paningin sa paligid. Kulay puti ang buong silid na sobrang lawak at pahaba pa iyun. May mga hospital beds na nakahilera sa isang side at mga aparato, mesa, benches at wheelchairs naman ang sa kabila.

Hindi siya ang nag-iisang pasyente sa Infirmary. May dalawang lalaki na mukhang tulog at isang babae na pasulyap-sulyap sa kanya.

Nanghihina pa rin siya pero pilit siyang umupo at sumandal sa bakal na headboard. Napansin niyang nakasuot siya ng kulay puting hospital gown na may maroon na floral patterns. May IV na nakakabit sa kaliwang kamay niya kaya agad niya iyung hinablot. Hindi naman siguro niya kailangan 'yun.

Hindi nagtagal ay nakarinig siya ng tila nagtatalo sa labas ng Infirmary kaya napatingin siya sa may pinto. Kasunod ng pagbukas n'on ay pumasok si Dr. Erick na may hawak na highball glass na may lamang pulang likido. At kasunod ng lalaki ay isang babae na nakasimagot.

"Tiana, you're inside the Infirmary. Keep your voice down," medyo may diin na sabi ng doctor kaya mas sumimangot ang babaeng tinawag na Tiana.

"So, you're awake," si Rifka naman ang binalingan ni Tiana. "You seriously made your doctor hunt? You kidding me, right?"

Litong napatingin si Rifka kay Dr. Erick. Hindi na ito nakasuot ng lab gown. May dumi at may gusot na ang suot nitong blue long-sleeved polo at khaki pants.

"Stop it, Tatiana!" Medyo tumaas na ang boses ni Dr. Erick kaya gulat na nagising ang dalawang lalaking pasyente. "Why are you here again, anyway? Go back to your class."

SentryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon