Chapter 171

764K 31.5K 43.1K
                                    

Author's Note: Sa mga hnd po nkakapansin. Mas mahba na po ang isang chapter kesa sa mga nauna. Kaya kaunti lng na-update ko. Sorrey!

Nice meeting you

Jay-jay's POV

"Shit!" Sigaw ng isa sa kanila matapos ko syang suntukin.

Pinilit kong lumaban----mali! Pinipilit kong lumaban kahit sa totoo lang wala sa kundisyon ang katawan ko.

Lima lang sila kung tutuusin pero kanina pa ko nahihirapan na kalabanin sila. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi na ako yung Jay-jay na kayang lumaban kahit anung oras.

Nakakapang-lambot humarap kay Cyrus ngayon. Nakatingin lang sya sakin pero pakiramdam ko hinihigop ng bawat tingin nya ang lakas ko.

Anu bang gusto nila?

"Walang pinagbago... Malakas pa rin sumuntok." Sabi nung isa habang pinupunasan ang labi nya'ng may dugo.

Pinagtitinginan na kami ng mga istudyante. Ang masama pa nito, nakikinuod lang din ang mga teacher sa kanila.

Sa field pa talaga nila ko dinala. Para anu? Gusto ba nila kong mapahiya? Anu bang gusto nila?

Pakshet naman!

"Cyrus... Please... Ayoko ng gulo." Paki-usap ko pero nakatitig pa rin sya sakin. "...anu bang gusto mo?"

Nag-cross arm sya at bahagyang tumawa. "Simple lang ang gusto ko Jay. Iparanas sayo yung paghihirap na naranasan ko."

Bubuka pa lang sana ang bibig ko para magsalita pero may bigla nalang humampas ng kung anu sa hita ko mula sa likod ko.

"Ugh!" Sigaw ko at kusa nalang akong bumagsak sa lupa.

Mangiyak-ngiyak akong napahawak sa hita ko. Nakita ko yung isa sa barkada ni Cyrus na may hawak na malapad na kahoy.

Shit! Daig ko pa nag-hazing nito!

"Masakit?" Tanung ni Cy at ngumiti. "...kulang pa yan."

May panibagong bagay na humampas sa braso ko. Napasinghap ako sa sakit. Hindi ko na napigilan ang luha kong bumagsak.

"Nakaka-awa naman si Jay!"

"Tama lang sa kanya!"

"Gago talaga tong Cyrus na to!"

"Tulungan nyo kaya si Jay!"

Sari-sari'ng reaksyon nila. Pero walang tutulong sakin. Alam ko yun! Sinong gustong tumulong sa kagaya ko.

Ngayon ako nagsisisi na hindi ko tinext o tinawagan sila Keifer. Pero kahit naman gawin ko yun, hindi rin naman nila alam ang papunta dito.

Ayoko na ding dagdagan ang problema sa Section namin.

Bahala na si Batman.

Pinilit kong tumayo. Hawak ko yung bahagi ng braso ko na hinampas nila. Ramdam ko yung panginginig ng laman ko.

"Pre! Nakakatayo pa!" Sabi nung isa habang nakatawa.

"Tigilan nyo na si Jay-jay." Sigaw ni Manong sa hindi kalayuan.

Shit! Manong wag na kayo makialam!

"Kung sa inyo kaya namin ihampas to!" Banta nila.

Hindi nakatinag si Manong. Tinignan nya ko na puno ng awa. Umiling ako sa kanya para sabihin na wag na sya makialam.

Humarap ako kay Cyrus at nakangiti sya sakin. Panibagong hampas na naman ang nakuha ko sa kabilang hita. Napaluhod na ko sa sakit.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon