Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

TDHU 7: King of the Jungle

243K 6.4K 1.5K
                                    

TDHU 7: King of the Jungle

DEVI PARKER

"Girl! Gising!" Naramdaman ko ang pagsipa sa paa ko kaya't iniba ko ang posisyon ng higa ko habang nananatiling nakapikit. Itinaas ko ang mga tuhod ko't niyakap ang sarili.

Napakalamig kagabi. Ewan ko ba kung bakit parang halos mamatay ako sa sobrang lamig.

Tsug

Sa pangatlong pagkakataon, nakaramdam na naman ako ng pagsipa at sa puwetan ko na ngayon.

"Ah! Ano ba—What the fuck!" Napahawak ako nang mahigpit sa sementong kinahihigaan ko nang bangin ang unang bumulaga pagkamulat ko. Tumayo agad ako at kumapit nang mahigpit kay Prinsesa na nakatayo at halos hindi maipinta ang mukha. "Muntik na akong mahulog! Mga gaga ba ka—"

Natigil ako sa pagsasalita nang mapansing tahimik lang ang dalawa saka ako nakaramdam ng kaba nang maramdaman ang presensya ni Demon Lewisham sa paligid. Kakaiba ang pakiramdam ko kapag alam kong sa paligid lang siya. Bumibilis ang tibok ng puso ko't nangangatog ang mga tuhod ko tulad na lamang nang una naming pagkikita. Nararamdaman ko ulit 'yon ngayon. Pakiramdam ko, kusang naaalarma ang katawan ko kapag alam kong nariyan siya.

"The Demon is here, am I right?" tanong ko sa dalawa habang nakaharap sa kanila. Nakatingin lang sila sa iisang direksyon at hindi nila ako sinagot.

Dahan-dahan akong lumingon sa building na pinanggalingan namin kagabi at tama nga ang hinala ko. Nakatayo ang apat duon. "Good morning," he mouthed habang nakatingin sa 'kin at hindi ko na naman mawari kung anong emosyon mayroon ang mukha niya.

Napatingin ako sa hagdan pabalik sa building na kinatatayuan nila. May maliliit na hiwa na ang hagdan. Tinatangka yatang sirain ni Demon ang daan. May hawak siyang palakol. Shit! Gusto niya yata kaming patayin dito!

"What are we going to do?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa hagdan. Hindi siya basta-basta masisira kapag dumaan kami kaso kapag ipinagpatuloy ni Demon ang ginagawa niyang pagputol dito, tiyak akong hindi na kami makababalik at dito na kami mamamatay.

Witwiw

Naagaw ni Demon ang atensyon namin nang lumikha siya ng ingay. Kumuha siya ng paintbrush at isinawsaw ito sa isang kulay itim na timba. Napansin ko ang pagtulo ng pulang likido mula sa paintbrush nang itaas niya ito saka sumulat sa pader malapit sa pinto.

R U N

"Run?" Kunot-noong tanong ni Prinsesa.

Pati ako napakunot ng noo. Anong ibig niyang sabihin? Tatakbo palayo? O tatakbo papunta sa kinatatayuan nila? Kaso wala naman kaming matatakbuhan dito kundi ang hagdan lang na ito papunta sa kanila.

"Gawin na lang natin kung anong sinabi niya," suhestyon ni Prinsesa ngunit umangal ako.

"He will kill us," I muttered. I can feel it. "Let's just stay here."

"He will not kill us, so let's go, bago pa umiral ang kademonyohan niya," sagot ni Princess.

He ran papunta sa hagdan na ito. Napakanipis ng mga aapakan dito ngunit nagawa niyang makalampas at mapunta sa kinatatayuan nina Demon nang walang katakot-takot at nang hindi man lang nahuhulog.

Napatingin ako kay Prinsesa at naramdaman ko ang kaba niya. Nag umpisa siyang maging malikot at pilit na hinahabol ang hininga. Napansin ko rin ang pagtulo ng pawis niya kaya't pati ako, kinabahan na rin.

Tinitigan ko nang masama si Demon kahit malayo kami sa isa't isa. How could he? Malaki ang chance na mahulog kami sa hagdan na iyan at mamatay. He's evil!

The Devils Hell University (Published under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon