Isang Dosenang Hopia

1.7K 70 15
                                    

Paalala: ang istoryang (?) ito ay base lamang sa personal na obserbasyon ng may-akda. Hindi nito intensyon ang manira o manakit ng anuman o sinuman. Panatilihan sana natin ang pagrespeto sa bawat isa at tandaan na ito ay gawa lamang ng isang tagahanga ng tambalang ViceRylle. Salamat.
------------------------------------------------

Hopia. Maraming kahulugan sa modernong panahon. Ngayon, ito ang isang dosenang hopia na sa tingin ko ay patunay na kahit papaano'y nagkaroon ng "nakaraan" ang ViceRylle...

Vice Pogi. Napakadalang ni Vice noon magpa-girl ng outfit. Madalas nakashirt, sleeveless, or sweatshirt. Tapos more on pants or shorts na knee-length. At nakasneakers madalas. Nagsusuot lang ng medyo pa-girl outfit kapag may production number, concert, o iba pang special event.

Iba sya eh. Game na game si Vice kapag inaasar sya kay Karylle. Pero pag sa ibang girls, either nandidiri sya or iiwas sya.

Kilig. Tunay yung kilig na pinapakita ni Karylle everytime may moment sila ni Vice. Ganoon din si Vice. Remember Vice's kilig smile?

May something. Yung mga banat nila sa isa't isa at mga pang-aasar ng Showtime hosts sa kanila noon na para bang walang ibang jowa sina Vice at Karylle. Yung mga biro nila na mapapaisip ka talaga na may something yung dalawa.

Off cam. Madalas magkasama off Showtime. Considering si Anne ang "sisterette" at ang mga ka-close ni Vice ay ang barkada nila Georgina, Anne, Solenn, Isabelle, Liz Uy, si Karylle ang madalas nyang kasa-kasama. Not to mention, the infamous QC night, Showtime in Hawaii, at ang mga dressing room visits. Isama na rin natin yung unofficial accounts ng alleged sightings of Vice and Karylle together in various public places.

Team Vice. Hindi ko alam kung ito ay 100% na totoo. Gayunpaman, yung mga sagot ng mga miyembro ng Team Vice sa mga katanungan ng ViceRylle babies sa Ask.fm, Twitter, at kung saan pa, ay mistulang isang patunay na ViceRylle was real.

Family. Among all Vice's friends, si Karylle ang pinakaclose sa pamilya Viceral. Ate Babot, Ate Emma, Camille, at kay Nanay Rosario. Observe.

Apo. May video greeting noon si Nanay Rosario kay Vice na sana ay mabigyan na sya ni Vice ng apo. Vice jokingly replied, "Ang wish ko sana mahanap mo na yung "H" mo", kasi ang pagkakapronounce noon ni Nanay Rosario sa "wish" ay "wis".

Boto. Kinukuhanan ng photos ni Dr. M si Vice madalas. Game din itong nagpicture with Vice and Karylle after the Hawaii trip. Nakawacky pose pa si Dr. M. Considering na medyo serious type ito at ayaw din nya na pinopost ang photos nya online.

Under kay Kumander. Yung mga moments na pag nagsalita o nagrequest si Karylle kay Vice, agad itong sumusunod. Wala nang eksplanasyon, basta si Karylle ang nagsabi. Batas eh.

Walang selan. Kilala natin si Karylle bilang isang tao na hindi nagdodouble sawsaw pero nung inoffer ni Vice yung tubig nya, uminom din doon si Karylle. Walang punas-punas, walang rekla-reklamo. Noong sinubuan ni Vice si Karylle ng itlog na may kanin, kinain nya yung natira sa kamay nya. Yung (mga) halik nila na walang punas-punas. Pwedeng oo, for the fans, pero first instinct ng tao is, punasan ang labi lalo na kung hindi mo naman jowa, asawa, anak, magulang, o super duper extra close friend. So ayun.

Proposal. Around June(?) 2013 nang magbiro si Vice tungkol sa "pakakasalan" nya si Karylle (sitaw moment). Karylle answered by saying, "Di pa ako ready magpakasal". Then August came, that month nagpropose si Yael kay Karylle. Bakit may biglaang proposal na naganap lalo na't nasa peak palang ang kasikatan ni Karylle at Vice? Kayo na ang bahalang mag-isip ng kasagutan.

"May mga bagay na sa'min nalang ni Karylle." - Vice

-----------------------------------------------------------

A/N: May sarili ba kayong obserbasyon na hindi katulad ng mga nabasa ninyo sa itaas? Share nyo naman sa comments 😊 Salamat!

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon