Kabanata 12

32.9K 1K 305
                                    

Kabanata 12

Maaga ako nagising kasi naexcite ako sa tunog ng hampas ng alon sa labas. May panligo naman pala ako. Bago kami matulog kagabi ay nagkalkal ako ng bagahe ko at nagulat ako sa ilang pairs ng swimsuit na nakaipit dun. Noong una ang akala ko ay si Ate Fe ang naglagay ng mga 'yon dahil siya ang nag-impake. 'Yon pala ay si Mamita.

At ang Mamita may note pa! 'Apo, ayan ang mga swimsuit, ikaw na bahalang umakit sa apo ko, suportado kita!'

Natawa na lang ako dahil sa sulat ni Mamita. Masuot na nga ito nang maakit ko si Konsi. Natawa ako sa naisip ko, kaloka si Mamita nilalason ng kalandian ang inosente kong utak.

Sinuot ko 'yong cute na navy blue off shoulder top na may ternong navy blue boyleg shorts. Tumingin ako sa salamin at kinilig ako nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Syet sexy ko pala?

Kinuha ko ang alampay at sunglasses ko at lumabas ng kwarto 5:30 pa lang at pasikat pa lang ang araw, siguro ay tulog pa ang mag-ama. Masyadong hands on ngayon si Konsi sa anak. Close na close na nga sila e.

Sinuot ko ang sunglasses, nilatag ang munting alampay sa buhanginan, at humiga doon.

Hindi ko na namalayan ang oras habang pinakikinggan ang mga alon ay inantok ako.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pagbigat sa ibabang parte ng katawan ko. Anyare?

"Baby, let's make castles on your mama." Teka si Konsi yon ah? Narinig ko din ang tawa ni Cassia.

Pero teka sinong mama? At di ako makagalaw. Dinilat ko ang mata ko. Nasisilaw ako kahit may shades ako.

Diyos ko! Inanod ba ako ng alon at patay na ako ngayon? Mama? Si ate kaya ang tinutukoy ng boses ni Konsi na mama ni Cassia? Oh my God! I can't die like this! Sayang ang katawan ko! Baka nilalamon na ng pating sa dagat!

Napabangon ako at inangat ang salamin ko! Jusmiyo buhay pa ako!

"Mama!" Niyakap ako ni Cassia. Napatingin ako sa bewang ko pababa. Putsa nakabaon pala ako sa buhangin at may buntot sirena ako kaya mabigat ang babang parte ng katawan ko. May castle pa nga sa ibabaw ng buntot ko! Aba imposibleng si Cassia ang gumawa nito. Tatlo lang kami sa lugar na 'to.

Hinanap ng mata ko ang pinanggalingan ng boses kanina. Agad ko namang nakita si Konsi na namumula na sa pagpipigil ng tawa at napabunghalit ng magtama ang paningin namin. Mabilis na pinagpag ko ang buntot kong buhangin at inupo si Cassia sa buhanginan.

Nahulaan ata ni Konsi ang gagawin ko kaya tumayo ito at mabilis na tumakbo, tumakbo din ako nang mabilis at naubutan ko siya. Para kaming batang naghabulan nakita ko na lang din ang masayang si Cassia na humahabol sa'min.

Ang kinalabasan ay nilaro namin si Cassia at naghahabulan kaming tatlo, napuno ng mga tawa't halakhak namin ang buong dalampasigan.

Nang mapagod ay sabay-sabay kaming humiga sa buhanginan. Nasa gitna namin si Cassia.

Natawa pa rin kami nung magkatinginan kami bigla ni Konsi. "That was cool."

Natawa na naman kami. Pero natigilan pareho nang marinig ang malakas na pagtunog ng tiyan ko.

Tumingin ulit sa'kin si Konsi tapos tumawa na naman.

"Gutom na ata yong mga bulate mo." He said na umupo. "Come on baby hungry na ang worms ng mama mo." Ayan na naman siya, pinanindigan nyang mama ako ng anak niya.

***

Masaya ang tatlong araw namin sa vacation house ni Elliot sa Cebu, pakiramdam ko ay naging malapit kami ni Konsi sa isa't isa dahil sa bakasyong iyon.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon