Chapter 24

1.6K 78 33
                                    


Chapter 24 - Lost Stars


 "Excuse me!" nahihiyang sabi ko kay Jacin matapos 'kong dumighay. Ang dami kong nakain!

Tinawanan ako ni Jacin at ginulo ang buhok ko. "Nabusog ba ang girlfriend ko?"

Napaubo ako dahil sa gulat, at sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo namang lumakas ang tawa niya. Iniinis nya na naman ako palibhasa alam nyang hindi ako sanay kapag tinatawag nya kong girlfriend.


Matapos kumain, pumunta ulit kami sa waterfalls para maipagpatuloy ko ang pagpipinta. Nagdala kami ng snacks para kung sakaling magutom ulit kami, hindi na namin kailangang bumalik ulit sa villa.

Umupo kami sa iniwan naming pwesto kanina lang sa damuhan. Mag-uumpisa na sana ako pero nahagip ko ng tingin ang canvass niya.

"Anong pinipinta mo?" Akala ko pareho naming pinipinta ang falls pero base sa nahagip ng mga mata ko, hindi ang waterfalls ang subject niya.

Mabilis niyang tinalikod sa'kin ang canvass niya. "Secret."

Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Palihim akong huminga ng malalim dahil parang naninikip ang dibdib ko. Bakit ba tiningnan ko pa 'yong canvass niya? Bakit hindi na lang ako agad nagsimula?

Bakit...

Bakit si Ayu pa rin ang pinipinta niya? 'Di ba ako na ang kasama niya ngayon? 'Di ba ako na ang girlfriend niya?

Alam ko ang nakita ko... kahit sandali lang 'yon, sigurado akong si Ayu ang pinipinta niya.

Hininto ko ang pag-stroke sa paintbrush. Kumikirot ang dibdib ko. Baka magkamali ako at gumulo ang pinipinta ko.

Concentrate, June!

Pero narinig ko na naman ng boses ni Roxy sa utak ko.

Hindi porque pumayag siyang maging boyfriend mo, eh ikaw na ang gusto niya. Syempre si Ayu pa rin ang mahal niya. Wala pang isang araw na nagiging kayo June, 'wag kang OA. Kasalanan mo rin naman. Hindi ka na dapat tumingin. Ito ang gusto mo kaya magtiis ka.

"Okay ka lang?" tanong ni Jacin, natawa siya dahil sa pagkislot ko. "You're being jumpy."

"O-okay lang ako." Simpleng sabi ko at nagpatuloy na sa pagpipinta. Buti na lang hindi gaanong apektado ang kamay ko sa nararamdaman ng dibdib ko.

"Hindi ka makapag-concentrate?" tanong niya ulit.

Hindi ko alam kung ako lang o talagang malambing ng tono niya. Tumango na lang ako bilang sagot.

Maya-maya may nilagay siyang kung ano sa tainga ko, earphone pala. Nakalagay naman sa isang tainga niya ang kabiyak.


"Please don't see, just a boy caught up in dreams and fantasies...

Please see me, reaching out for someone I can't see,

Take my hand let's see where we wake up tomorrow..."


Lost Stars... favorite niya siguro talaga ang kanta. Ito dapat ang kakantahin niya kay Ayu noong araw na marinig ko siyang kumakanta sa Pyxie Point.

"J-jacin..."

"Yeah?"

Humugot ako ng hininga at lakas loob na nagtanong. "N-nakanta mo ba 'to k-kay A-ayu?"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon