Chapter 2

425K 8.4K 578
                                    

She had lain  awake  the whole  night, reliving  the  event  in  her  mind.  Hindi niya alam kung anong oras siyang dinalaw ng antok pero sigurado siyang bukangliwayway na. Iinom sana siya ng gatas para mas mabilis makatulog pero napurnada dahil kay Falcon. Ito rin ang dahilan kung bakit siya napuyat. Kung bakit ba naman kasi napagkamalan siya nitong si Harper. At siya naman ay aanga-anga na sa halip na ipaalam kay Falcon na hindi siya si Harper ay nanigas na lang siya sa kanyang kinatatayuan lalo na nang halik-halikan siya nito. At hinayaan pa niyang hawakan siya sa parte  ng  katawan  niyang  buong buhay niyang pinakaingatan.

"Back to earth, MM!" Harper's voice shocked her out of her trance.

"Ha?"

"I've  been talking  and  talking  pero parang wala akong kausap." Nakanguso nitong reklamo.

"Sorry. Ano nga ang sinasabi mo?" Bumuntong-hininga ito at medyo inirapan siya. Kasalukuyan silang nasa sasakyan ni Harper, pumuntang location shooting para sa pelikulang ginagawa nito.

"You look sleepless today. I'm guessing you've been thinking of this particular someone last night." Nanunuksong tanong ni Harper. Pangiwi siyang ngumiti.

Ang boyfriend mo!

"Wala. Ano nga ulit 'yong sinasabi mo?"

"Si Falcon." Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang marinig ang pangalan ni Falcon.

"Kagabi kasi. . . He was asking me to marry him." Mabilis niyang ibinaling ang tingin kay Harper  pabalik.

"Nagpropose siya sa 'yo?"

"Parang gan'on pero parang hindi. Parang napipilitan lang din. Ni wala ngang singsing. Like helllo, after. . ." Tumigil ito sa pagsasalita, tumingin muna kay Mang Ross, ang personal  driver ni Harper at muling ibinalik ang tingin sa kanya saka pabulong na itinuloy ang kuwento.

"After we make love saka nagsabing magpakasal na kaya kami."

"Eh, ano'ng sabi mo? Pumayag  ka?"

"I don't feel like getting married for now and and the motherly-instinct doesn't kick in. I can't imagine myself carrying a child for nine months and to be a full-time mom."

"But children are worth giving up our lives  for."

Umirap sa hangin si Harper.
"Not me. I work hard para marating kung nasaan man ako ngayon at hindi ko 'yon sasayangin. At alam ko naman na hindi pa rin handa si Falcon na magsettle down. Nape-pressure lang siya sa pamilya niya dahil gusto na ng mga magulang niyang magkaroon ng apo."

Hindi  niya  masisisi  si  Harper  na  tanggihan  si  Falcon lalo't  nakasagsagan  ito  ng  kasikatan.  Bata pa lang si Harper ay pinangarap na nitong maging isang artista. Iyon ang lagi nilang nilalaro. Sikat na artista si Harper at siya naman ay  aarteng  personal assistant nito  o  di  kaya  naman  ay  isang  host. Sino ang mag-aakalang mangyayari iyon. Sikat   na  ngayong  artista  si  Harper  at  siya  naman  ay  isang  dakilang  alalay  nito.

Masyadong gutom si Harper sa kasikatan kaya naman ginagawa nito ang lahat na maaring gawin para makilala sa mundo ng showbiz. Isinumpa pa nitong darating ang araw ay siya na ang magiging bida sa mga teleserye at pelikula. Magiging in demand na endorser at natupad nga iyon. 

Lagi  siyang  kasa-kasama  ni Harper  sa  mga   VTR nito. Magkasama  silang  lumaki.  Stay-in  maid ang  kanyang  nanay  sa  mansiyon  ng  mga  Santibañez  hindi  pa  man  siya  nagkakaisip. Since  kasama  siyang  nakatira  sa  bahay  ng  mga  ito  ay  maaari  na  rin  siyang  ituring  na  katulong. Nagkaisip  siyang   sa  mansiyon  na  ng mga  Santibañez nakatira.  Scholar   din  siya  ng  eskwelahang  pag-aari  ng  mga  Santibañez.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon