Chapter 43 - Date ( Part 2 )

2.6M 57.7K 63.5K
                                    

Chapter 43 ( MHIAMB : Date (Part 2) )

Aemie's PoV

"Wooowwwww!" kahit nakita ko na to sa internet at sa mga magazines, iba pa din pala pag sa personal. Literal akong napanganga, dahil hindi ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita ko.

Kakapasok lang namin ni Zeke sa isang five star hotel para daw kumain, at sobrang ganda ng lugar. Mamahalin lahat ng gamit.

Pati yung mga nagta-trabaho mga mukhang artista.

"Close your mouth, wife." bulong ni Zeke. Napatakip tuloy ako sa bibig ko. Bawal ba sa mga sosyal na lugar ang naka-nganga?

Noted! tatandaan ko yan.

"Ang sosyal-sosyal naman dito dong." bulong ko.

Hindi naman sumagot si Zeke. Tumuloy lang sya sa paglalakad kaya ganun din ako.

Nakasunod lang ako sa likod nya habang palingon-lingon sa paligid. Yung mga taong nandito sa loob halatang-halata din na sosyal eh. Ang gara ng mga suot, may mga foreigners pa.

"This way Mr. Roswell" sabi nung isang lalake kay Zeke, kaya hindi na ako sumunod at nagtingin na lang ulit ng paligid

"Wife" lumingon naman ako nung tawagin nya ako. Medyo malayo na sya, at yung lalakeng kasama nya. "Aren't you coming with me?" tanong ni Zeke.

"Hehe. Dong ako ba?" turo ko sa sarili.

"Tss." Bigla naman siyang lumapit sakin. Napalayo ako kasi akala ko pipitikin na naman niya ako sa noo pero nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Hehe

Hinatak niya ako palapit dun sa lalakeng tumawag sa kanya kanina. Naglakad na yung lalake kaya sumunod kami ni Zeke.

Bakit kaya naming siya sinusundan?

Omygod!

Hindi kaya---

"Ano na namang iniisip mo, babae?" tumingin ako sa kanya na nakatingin din saken.

Waaaaa! Masama na naman ang tingin saken ni Zeke. Huhuhuhu.

Umupo na si Zeke dun sa table na hinintuan naming kaya naupo na rin ako sa tapat niya. Dalawa lang naman kasi yung upuan. Hehehe.

Pagkaupong-pagkaupo ko ay tumingin ulit ako kay Zeke, pero masama pa din ang tingin nya. Inaano ko ba sya kasi?

"I'm asking you, wife." *glare*

*pout*

"Iniisip ko lang naman si Kuya, dong.." turo ko dun sa lalakeng paalis na. "At---" dudugtungan ko pa sana kaso biglang nagalit na ng tuluyan si Zeke.

"What?!"

Waaaaa! Bakit ba lagi na lang highblood to si Zeke tapos bingi pa.

"Ang sabi ko dong iniisip ko---"

"Why the fvck are you thinking of that asshole?!" Galit na tanong niya. Huhuhu. Hindi lang naman kasi si Kuyang sinusundan naming yung iniisip ko. Sila kayang dalawa.

My Husband is a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon