Chapter 66

219K 2.4K 138
                                    

CHAPTER 66

Down to our third day here..

Halos isang oras ko nang hawak hawak ang cellphone ko at kung nakakatunaw lamang ang tingin, kanina pa siguro to tunaw.

10:30 na rin ng gabi, malamang kanina pa ako hinihintay ni Dylan. Napagusapan kasi namin kanina na dapat bago mag10, andun na ako. Kanina pa naman tulog ang mga bata eh, 9:30 pa nga lang mahimbing na ang tulog nila dahil na rin siguro sa sobrang pagod sila sa kakalaro kay Achi.

Huminga muna akong malalim bago ko hinanap ang numero ni Theo sa contacts ko. Oo, tatawagan ko na talaga sya. Baka kasi nag-aalala sya lalo na sa mga kambal. Kanina nga ay panay na din ang tanong sakin ng dalawa kong anak kung bakit wala dito si Theo. Buti na lang at nataon na hindi namin kasama si Dylan, nasa may garden kasi kami nun and Dylan.. well, he's nowhere to be found nung mga oras na yun.

"Maxine?!"

"Theo!"

Hearing his voice made me feel so excited. Hindi ko ba alam pero namiss ko syang kasama. Siguro nga ay dahil nasanay ako na sya ang kasama ko araw araw.

"Ano? Kamusta ka? The kids? Inaalagaan ka ba dyan? Tell me the truth dahil hindi ako magdadalawang isip na kunin ka dyan ngayon din!"

I chuckled with his sweetness. Pero teka.. ano daw?

"What? Don't tell me, Theodore, you freaking know where the hell am I and who am I with!"

"Maxine, I have to know everything about you. It drives me crazy, knowing that you are not here, it really drives me crazy kaya kelangan ko syang kausapin tungkol sa kalagayan mo."

What he said made my heart melt. But I am frustrated dahil all this time, he knows! He freaking knows kung ano ang nangyayari sakin habang ako ay halos mabaliw na sa kakaisip kung nag-aalala ba ito sakin!

"I want to go back.." I said. It's not because that I don't want it here, it's not because I don't want to be with Dylan.. it's because I'm afraid..

Takot akong mabuking ni Dylan. Napakadami ng signs, napakadami ng bagay na nakapapagpahiwatig ng relasyon ni Dylan sa mga anak ko and I am damn scared that he might find out.

Ayoko.

Selfish na kung selfish but I want my kids to be mine alone. And in fact, he's gonna get married soon. What's the use diba na malaman pa nya? He's gonna have his own family.

"Sweetie, I want you back too but it's not yet safe here." Aniya sa malungkot na boses.

"Theo, who are they? Yung mga kumuha satin, sino sila?" I asked.

"We are still working on that, kaya nga hindi pa ligtas dito."

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon