"She's mine." Iyon ang narinig ko mula sa taong hawak-hawak ngayon ang wrist ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya kaya di ko mabawi ang kamay ko. It was Third.
Nabigla ako nang sabihin niya iyon at napatingin agad sa kanya. Seryo ang mukha niya at di ko mabasa ang iniisip niya dahil masyadong composed ang expressions niya. Muli akong tumingin kay Kid at bigla niya ring hinawakan ang kaliwang kamay ko.
"Di siya sasama sa'yo." Dinig ko ang inis sa boses niya.
"And do you think she will go with you?" Biglang nag-iba ang ihip ng hangin, di ko maintindihan pero parang may tumatatak sa isip ko na mangyayari sa araw na'to. Napailing ako at pilit na binawi ang kamay ko kay Third.
Napapapikit ako dahil sa naririnig kong tunog ng tumatakbong mga kabayo na tila di nila naririnig. May mali dito. Mali ang lahat ng ito. Mga yabag ng kabayong tumatakbo at may nakikita ako sa isip kong mga tao na may hawak na mga sandata at may itim na guhit sa kanang banda ng mata nila... At huli na nang maintindihan ko ang mangyayari.
"Samientus!" Iyon lang ang nasabi ko nang biglang nagsigawan ang lahat ng tao na nasaharap ng platform at pinuno ng ingay ang paligid. Lahat ng tao ay nagsitakbuhan na at ang mga upuan ay nagsitumbahan.
Bigla akong hinila ni Third palabas ng back stage at doon ko nakita ang mga taong kinakatakutan ko.
Ang mga guhit ng itim na simbolo sa kanilang kanang bahagi ng mata, ang malalaki at may mga dugo nilang sandata. Ang Samientus.
Natigil ako sa pagtakbo at pilit akong hinila ni Third pero nabaon ang mga mata ko sa ginawa ng mga samientus. Isa-isa nilang pinatay ang mga mamamayan ng Quantum City. Marami ng nakaratay at ang masnakakuha ng tingin ko ay kung paano pinatay ng isa sa kanila ang batang umiiyak sa harap ng bangkay ng kanyang ina. Pinaslang siya gamit ang isang espada na ibinaon sa dibdib niya.
Napasigaw ako at tinakpan ang bibig ko. Nangyari na'to.
Ang taong 'yun, ang lalaking pumaslang sa batang umiiyak ay siya ring pumatay sa magulang ng batang babaeng nakita ko sa labanang naganap noon, ang Samientus Verri.
Nahinto ako at parang nanigas sa kinatatayuan ko.
Parang ang bagal ng galaw ng mga tao sa paligid ko, at wala akong nagawa kundi ang maiyak sa nasaksihan ko.
Ang alam ko lang tinatawag at hinihila ako ni Third pero di ko magawang makinig. At sa oras na ito ay tumatakbo si Yden papunta sa akin habang sumisigaw, at pati ang lahat ng iyon ay naganap na sobrang bagal. Ang iba kong kasama ay nagsitakbuhan na habang sila Sir Reve at Sir Relium ay di ko makita.
Biglang tumingin sa akin ang Samientu na pumaslang sa bata at sa panahong iyon ay bigla akong natauhan na ako ang kanyang tinititigan. Ang mga mata niya, naaalala ko pa lahat kung paanong naganap ang digmaan.
Biglang yumanig nang malakas ang lupa at mabilis itong nabubungkal galing sa lokasyon niya, papunta ang pwersa sa akin. Isa siyang land element handler.
Narinig kong sumigaw si Exid at nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano siya tumakbo at naglabas ng enerhiya galing sa mga kamay niya para pigilan ang pwersa ng samientu pero parang di niya ito makontrol.
Si Yden.
Napatingin ako sa kanya at tumatakbo siya papunta sa akin na parang sinasabi niyang tumakbo na ako, pero ang mas di ko inaasahan ay ang makitang siya ang matatamaan ng pwersa nung Samientu sa ginawa nitong pagkontrol sa lupa, at parang di iyon namamalayan ni Yden.
Sobrang lakas ng pagyanig, biglang natumba si Yden sa kalagitnaan ng daan at malapit na siyang matamaan.
Sobrang bagal ng lahat. Hinila ko ang kamay ko mula kay Third na pinipilit akong tumakbo... Kitang-kita ko sa mata ni Yden na naiiyak na siya at di na siya makatayo, naririnig ko rin ang tila mabagal na pagsigaw ni Exid.
Nang matanggal ko na ang kamay ko mula kay Third ay napapikit na lamang ako. Itinaas ko ang dalawang palad ko at itinapat ito sa pwersa ng samientu. Narinig ko ang malakas na pagsabog at bigla akong napadilat.
Wala akong makita, sobrang daming alikabok na bumalot sa paligid. Malakas ang pwersang nailabas ko kaya naungkat ang lupa sa hanay na tinamaan ng pwersa ko. Sa sobrang lakas ng pagkakaungkat nito ay bigla ulit yumanig ang lupa nang masmalakas kaya natumba ako.
Napahawak ako sa lupa at naluluha-luha. Di ko makita si Yden. Nasaan na siya?
Di ko mahanap ang boses ko habang tinatawag siya, kalahati ng pwersa ng katawan ko nailabas ko kaya bigla akong nanghina.
"Yden... Yden..." halos pabulong ko na iyong sabihin.
Unti-unting nawawala ang mga alikabok at natanaw ko sa di kalayuan si Exid, buhat-buhat niya si Yden sa likod habang tumatakbo, wala na siyang malay. Nang bigla akong nakarinig ng pagsigaw ng isang di pamilyar na boses, kasabay din nito ay ang tuluyang pagkawala ng mga alikabok na bumalot sa buong paligid at nakita ko ang mga Samientus sa bandang dulo malapit sa malaking pinto ng Capitol. Natumba ang kabayo nung samientu na umatake at nahulog siya mula rito.
"Hulihin niyo ang babaeng may steeking skill!"
Bigla akong natauhan nang marinig ko iyon at hinila ako agad ni Third.
"Bilis!"
Di ko inalintana ang bigat ng katawan ko na nararamdaman ko ngayon at agad na tumayo.
Tumakbo kami sa abot nang makakaya namin pero mabilis ang pagtakbo ng kabayo ng isa sa mga samientus at naabutan kaming dalawa.
Nang bigla nalang napatid sa pagtakbo ang kanyang kabayo na tila nawawalan na siya ng kontrol dito. Sumisigaw siya na para bang magbe-break down na ang utak niya. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang patuloy sa pagsigaw nang biglaan nalang siyang tumahimik at nahulog mula sa kabayo. Pero ang ipinagtataka ko ay biglaan ang pamumutla niya na parang patay na nang bumagsak sa lupa.
Hila-hila parin ako ni Third habang tumatakbo. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatitig siya sa samientu'ng iyon na nahulog sa kabayo. Iba ang sinasabi ng mga mata niya, parang nakakatakot siya. Nakakatakot ang kakayanan niya.
The Skill of Depersonalization.
***

YOU ARE READING
Sylum Academy of Skill Exertion (Editing)
FantasyEvintiem Race Series #1 [Book 1] Sylum Academy of Skill Exertion [Book 2] Yves of the Outskirts of Kanda -- If people are emotions she's emotionless... with a bit of anger maybe. Seathryn Blackburn, a Sylem who hates special treatment will fight in...