SINO SIYA?

1.2K 8 0
                                    

(Requested by my cousin)

Masayahin, pala-ngiti, at may takot sa Ama.
Yan ang pagkakakilala ko sa kanya.
Isa siya sa mga taong naging parte ng buhay ko.
Mayroon din siyang lugar sa aking puso.

Mas matanda sa akin ang binibining ito.
Ngunit pagdating sa ugali, kami'y nagkakasundo.
Magkaiba man kami ng relihiyon at paniniwala...
Hindi iyon naging hadlang sa aming masayang pagsasama.

Mabait, matangkad, at may pagka-chinita.
Kaya di na ko nagugulat sa tuwing may nagkakagusto sa kanya.
Mapagmahal sa magulang at responsableng dalaga.
Kaya sino ba naman ang hindi mapapamahal sa kanya?

Hanggang ngayon, hindi ko pa din nalilimutan.
Mga alaalang puno ng tawanan at at kulitan.
Mga panahon na kung saan ako'y musmos pa lamang.
Sa bawat laro, siya ang aking katuwang.

Sino nga ba ang dalagang inilalarawan ko?
Bakit labis labis ang papuri ko sa binibing ito?
Ano nga ba ang koneksyon niya sa akin?
Lahat ng yan ay aking sasagutin.

Ang kanyang pangalan ay hindi ko babanggitin.
Dahil alam kong siya'y makikilala niyo rin.
Isa siya sa aking mga ka-dugo.
Siya rin ay isa sa mga pinsan ko.

Kung ito'y mabasa mo, heto na ang aking pinangako.
Isang tulang tungkol sa iyo.
Sana ito'y magustuhan mo.
Masaya ako dahil mayroon akong pinsan na tulad mo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon