KULAY

1.2K 3 0
                                    

Minsa'y may nakapagsabi sa akin.
Na ang ating Diyos ay sadyang malikhain.
Siguro nga'y totoo ito.
Dahil binigyan Niya ng kulay ang ating mundo.

Bughaw para sa karagatan at kalangitan.
Luntian para sa mga puno't halaman.
Pula para sa mga mansanas at rosas.
Lila para sa ube at ubas.

Kahel para sa takip-silim.
Itim para sa gabing madilim.
Dilaw para sa araw at mangga.
Puti para sa ulap at sampaguita.

Ang sabi ng iba masarap ang mabuhay.
Lalo na kung ang mundo ay makulay.
Ngunit, paano ko ito mapapatunayan?
Kung ang ibang mga kulay ay hindi ko man lang masilayan?

Sa buong buhay ko...
Isang kulay na lang ang nakikita ko.
Nakabukas ang mga mata ko.
Ngunit walang pinagbago.

Tila nabalot ng kadiliman ang mundo ko.
Siguro nga'y nararapat lamang sakin ito.
Sapagkat ako'y nagbulag-bulagan sa katotohanan.
Katotohanan na ang tingin mo lang sa akin ay isang laruan.

Tandang-tanda ko pa ang mga oras na iyon.
Kung saan ang iyong atensyon ay sa akin lang nakatuon.
Pero anong nangyari ngayon?
Bakit sa iba mo na ibinibigay ang iyong atensyon?

Pinuno mo ng kulay ang mundo ko noon.
Pero sa isang iglap, nawala lahat ng yun.
Mula sa makulay na bahaghari...
Tinangay mo ang mga kulay na parang isang buhawi.

Iniwan mo kong nag-iisa sa gitna ng dilim.
Mag-isang inilalabas ang sakit na kinikimkim.
Pero salamat sa ginawa mong pang-iiwan.
Dahil doon ko lang nalaman ang kahulugan ng "kaligayahan".

Simula nung ako'y iniwan mo...
Hindi pa rin Siya nawawala sa tabi ko.
Ginamot Niya ang nagdurugo kong puso.
Tinulungan Niya rin akong muling makatayo.

Ang mga kulay na tinangay mo...
Pinalitan Niya ng bago.
At ngayon napatunayan ko sa sarili ko.
Na masarap ngang mabuhay lalo na kung Siya ang kapiling mo.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon