BAKIT?

880 2 0
                                    

Ako ay isang matipunong lalaki.
Ngunit ako'y may pusong babae.
Malambot kung kumilos.
Ngunit kung magmahal ay lubos.

Naranasan ko ng malait ng iba.
Naranasan ko iyon dahil ako'y bakla.
Ngunit, kailanma'y hindi ko iyon pinansin.
Dahil masyado akong maganda para sila'y laitin din.

Ganito man ang aking kasarian...
May damdamin pa din akong nasasaktan.
Isa lamang ang tanong ko...
Bakit? Bakit ganito?

Bakit ganito ang trato mo sa akin?
Bakit ganyan ang iyong tingin?
Kita ko sa iyong mga mata ang pagka-ilang.
Dahil ba sa minamahal kita ng labis at walang kulang?

Bakit ka nandiri nung umamin ako sayo?
Bakit ganun ang mga sinabi mo?
Oo, alam kong bakla ako.
Pero bakit kailangan mo kong saktan ng ganito?

Napakadami kong gustong itanong sayo.
Ngunit natatakot na kong mabasag muli ang puso ko.
Dahil parang mga bala ang mga salitang iyon na galing sayo.
Mga balang tumatagos sa nagdurugo kong puso.

Hindi ko na hihilingin pa na mahalin mo rin ako.
Sapat na sa akin na ako'y iyong
i-respeto.
Sapat na sa akin na kilalanin mo ko.
Sapat na sa akin na tanggapin mo ang aking buong pagkatao.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon