Chapter 174

803K 30.7K 26.8K
                                    

Operation: Bawiin 2.0

Jay-jay's POV

"Mag-saing na kayo!" Sigaw ni Felix habang naglalakad palapit samin.

Dala-dala na nila yung malaking timba na may bigas. Nabawi na rin nila.

Nice! Rice!

Isa nalang ang problema namin, yung sa Section A. Yung cooler namin na nilagyan nila ng alak. Sana pati sa kanila gumana din yung plano ni Ci-N.

Nagpahinga muna sandali sila David. Mukang napagod sa pagpapabalik-balik dito samin.

"Sa Section A naman tayo." Sabi ni Ci-N na mukang hyper na naman.

"Teka lang naman!" Reklamo ni Calix.

"Magpahinga ka muna Ci-N! Masyado kang excited sa plano mo!" Sita sa kanya ni Eman.

Naka-nguso namang naupo si Ci-N sa tabi ko. Kahit natatawa na rin sa kanya. Masyado sya'ng na-excite sa plano nya.

"Hindi nyo ba napansin Snorlax ko?" Tanung ko sa kanya.

Umiling sya. "Sino namang Aning ang gusto'ng yumakap sa stop toy sa ganitong lugar?" Sarkastiko nyang tanung.

Naningkit ang mata ko sa kanya. Ako yung Aning na yun. Kaya nga nagdala ako para merong kayakap. Kakahiya naman!

Tumayo sila David at inayos yung fishing rod. Nakita ko din na nagsitayo na yung iba. Dahan-dahan din akong tumayo para sumama sa kanila.

"Sasama ako." Sabi ko at tinignan nila ko.

"No. Stay here and have rest." Utos ni Keifer.

"Kanina pa naman ako nakapag-pahinga."

"Kahit na Jay... Hindi basta-basta yung nangyari sayo kaya kailangan mong magpahinga." Pilit ni Yuri.

"Pero kasi---"

"Jay." Maotoridad na tawag ni Keifer sa pangalan ko. "...wag kana makipagtalo."

"Yung Snorlax ko nga. Kailangan kong bawiin yun." Nakiki-usap na sabi ko sa kanya. "...please."

Napabuntong-hininga sya bago suklayin ang buhok. "Fine."

YES!!

"...pero sasama ako." Dagdag nya at tinignan yung mga Ulupong. "...maiwan na yung iba sa inyo. Kami naman ang sasama."

Nag-nod sila bilang pag-sang-ayon. Ako, si Ci-N, David, Felix, Yuri at Keifer ang lumakad papunta sa camping site ng Section A.

Sa magubat na parte kami dumaan. Kahit masakit ang katawan ko, tiniis kong lahat yun para lang mahanap si Snorlax ko.

Nagtago kami sa halamanan. Si Ci-N naman umakyat sa puno at pumwesto sa pinaka-matibay na sanga. Inabot ni David sa kanya ang fishing rod kung saan naka-sabit si Bestie.

"Dun ka Keifer..." Turo ni David sa hindi kalayuan sa amin. "...back up ka namin. In case na mahuli kami."

"Tss." Bored na sagot nya.

Manung sumagot ng maayos!

Naglakad naman sya dun sa tinuro ni David. Medyo malapit sya sa pwesto ng cooler.

"Maiwan ka dito." Sabi ni Felix kay Yuri. "...bantayan mo si Jay-jay."

Nag-nod si Yuri at tinignan ako tsaka ngumiti.

"Dito tayo." Sabi ni David kay Felix.

Naglakad sila papalapit sa cooler pero may kinuhang kaputol na halaman si Felix pang takip ata sa kanila.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon