PANGARAP LANG KITA

1.5K 17 1
                                    

Heto nanaman ako, tulala sa aking kwarto.
Tahimik na nakatitig sa iyong litrato.
Di ko alam kung bakit nalulungkot ako.
Ah alam ko na, dahil wala nga palang tayo.

Sa lahat ng posible, yan ang pinaka-malabo.
Totoo naman dahil magkaiba tayo.
Maraming mga tao ang humahanga sayo.
Alam ko yun dahil isa ako sa mga ito.

Sana naririnig mo ang tibok ng aking puso.
Wag kang magugulat kung isinisigaw nito ang pangalan mo.
Sana nababasa mo kung ano ang iniisip ko.
Wag ka ng magtaka kung bakit ikaw lang ang laman nito.

Kung may isang kahilingan ako na nais kong tuparin...
Makausap ka lang sa personal, sapat na iyon sakin.
O di kaya'y makita ka na lang ng harapan.
Upang marinig ko ang iyong boses na labis kong hinahangaan.

Malinaw naman sa akin na hindi kita maaabot.
Dahil ang iyong mundo'y sa iba umiikot.
Ngunit kahit alam ko iyon, heto pa rin ako.
Naniniwalang balang araw, ako'y mapapansin mo.

Maghihintay ako kahit nadudurog na ang puso ko.
Hihintayin ko yung araw na ako naman ang titignan mo.
Araw na kung saan ako naman ang tinitibok ng iyong puso.
Araw na kung saan ako naman ang ituturing mong mundo.

Ayos lang sakin ang magpaka-t*nga.
Ayos lang sakin kahit ang sakit sakit na.
Ayos lang sakin kahit makita kitang kasama mo siya.
Dahil tanggap ko naman na pangarap lang kita.

Para kang bituin na nasa kalangitan.
Bituin na aking tinitingala at hinahangaan.
Ikaw ang aking pangarap na hindi ko susukuan.
Patuloy kitang mamahalin kahit ako'y nasasaktan.

Alam kong imposible na ika'y maging akin.
Masakit man saking damdamin, kailangan ko iyon tanggapin.
Wala naman akong ibang magagawa kundi ang pangarapin ka.
PANGARAP KITA NGUNIT ANG PINAPANGARAP MO AY IBA.

Spoken Words Poetry By OtakuZone (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon