Chapter 175

849K 30.6K 16.9K
                                    

N/A: Kasi nga wala edit.


Tray

Jay-jay's POV

Maaga ako nagising. Hindi dahil maganda ang tulog ko kundi dahil may sumampal sakin.

Tsakit!

Sa sobrang likot ni Ci-N matulog, nasampal nya ko ng hindi sadya. Gustuhin ko man syang gantihan hindi ko na ginawa. Baka magkapasa sya sa lakas ng igaganti ko sa kanya!

Bumangon nalang ako at sumilip sa labas ng tent.

Sobrang tahimik at wala pa kong naririnig na gumagalaw. Tanging huni lang ng ibon at galaw ng dahon ang naririnig ko.

Lumabas ako ng tent at nag-inat---na sana hindi ko ginawa. Kumirot kasi katawan ko lalu na yung mga parteng nabugbog. Sandali akong nagpahinga bago kuhanin ang toothbrush ko at kumuha na rin ako ng tubig para maghilamos.

Hindi na ko nagpunta ng C.R dahil sobrang layo. Hastle naman at hilamos lang naman ang gagawin. Mamaya pa naman ako maliligo.

Habang nag-sisipilyo nakita ko'ng gumalaw yung duyan ni Yuri. Meron kasing nakahiga don at balot na balot ng kumot.

Teka!

Dun kaya natulog si Yuri? Sandali ko pang pinagmasdan yun at tumama nga ang hinala ko ng bumangon ang nakahiga.

Pupungas-pungas na tumingin sakin si Yuri. Bakit ang gwapo pa rin nya kahit bagong gising?

"Good morning." Bati ko sa kanya.

Sa halip na sagutin tinitigan nya ko na para bang kinikilala ako. Meron syang kinuha sa gilid nya. Yung salamin nya! Sinuot nya yun at tinignan ako ulit.

"Ikaw pala yan." Sabi nya at ngumiti. "...Good morning."

Gusto ko din sana syang ngitian pero para'ng ayaw ng labi ko na gawin yun. Nahihiya ako sa kanya, sobra! Pinipilit kong ayusin yung natitira samin pero parang hindi ko na magawa.

Bumaba sya sa duyan nya at kinuha ang toothbrush nya sa bag. Lumapit sya sakin at kumuha ng tubig sa jog sa tabi ko.

"Sorry... Hindi kita nakilala." Sabi nya at sinimulang mag-sipilyo.

"Okay lang... Bakit nagsalamin ka ulit?" Tanung ko.

Ayoko namang tuluyang ilayo ang loob ko sa kanya. May utang na loob din ako sa kanya kung tutuusin. Ang pangit naman yata kung babaliwalain ko yun dahil sa sitwasyon namin.

"Hinuhubad ko yung contacts ko bago matulog. Wala ako makita ng maayos kaya... eto muna." Sabi nya habang nakaturo sa salamin nya.

Nag-nod naman ako. Mahirap kayang magsalamin? Pero mas mahirap yata kung malabo ang mata. Malabo ang paligid.

"Kinakamusta pala tayo ng parents ko." Biglang sabi nya dahilan para matigilan ako.

Sandali kong tinignan ang paligid. Baka kasi may makarinig samin at paniguradong usap o away na naman.

"A-anung sabi mo?"

Ngumiti sya sakin. "Sabi ko, okay lang."

Pero hindi tayo Okay.

"Y-yuri----"

"Don't say it." Putol nya sa sasabihin ko. "...I know you'll ask to stop the engagement."

Hindi ako nakatingin sa kanya. Ganun ba ko obvious? Hindi ko kasi maintindihan kung bakit kailangan pa ring ituloy.

Tinapos ko na yung pagsisipilyo ko at agad na bumalik sa tent ko. Gising na si Ci-N na pupungas-pungas pang ngumiti sakin.

Ang Mutya Ng Section E (Part Two) The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon