26

37 2 0
                                    

Shin's POV

"Shin."

"Shin."

"Uy."

"SHIN IRIS BAUTISTA TUAZON!"

"ANO BA! KAKAPIKIT KO PA LANG! ANO PA BANG GUSTO NIYO HA?!" Sigaw ko kay Blake.

"Papasok na tayo." Sabi niya sakin at akmang maglalakad na palabas ng kwarto ko.

"Pasok? Alaskwatro? 8 pasok natin ah?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang nakapikit pa rin.

"May MAPEH tayo ngayon." Sabi niya at tuluyan nang lumabas sa kwarto ko.

"Ayoko na. Hindi ko na kaya. Patayin niyo na ko." Sabi ko habang naglalakad papunta sa C.R ng kwarto ko at naligo na.

Usually ang suot ng mga girls sa P.E namin ay leggings, but I prefer jogging pants. Mas masaya matulog. Kung pwede nga lang pyjama baka lagi na lang ako naka pyjama.

"Tara na." Sabi ko kay Blake na naghihintay sakin sa sala.

"Kaya mo bang pumasok? Kakasabi lang sakin ni Nanay na kakabitaw mo lang daw kay Shine. Nakatulog na kasi kami sa bahay ni Jin kanina." Sabi niya pero tumango lang ako sa kanya.

Naglakad na kami papunta sa garahe at sumakay na ako sa kotse ko at ganon din naman siya.

"Shin?" Pagkatok ni kuya Jin sa bintana ng sasakyan ko at ibinaba ko naman ito.

"Usap muna tayo." Mahina niyang sabi sa 'kin at kumunot ang noo ko. I don't have time to talk, I need to go to school.

"Tungkol saan?"

"Sa nangyari kanina."

"Hindi ako interisado sa sasabihin mo. Pero magbago ka na. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'yo pero hindi ka na mag-isa ngayon. Kailangan ka ni Hiro, don't neglect your responsibilities." Sabi ko at nag-drive na papunta sa DVU.

"Ano nangyari sa 'yo? Bakit may black eye ka?" Tanong sa'kin ni Delanxe pagkarating ko sa court.

"Baliw. Eyebags tawag dyan, bakla." Natatawang sabi sa kanya ni Brigitte at tinignan naman niya nang maigi ang mukha ko.

"Si Shin? May eyebags? Talaga? Eh takaw sa tulog 'yan ah?" Tanong ni Alex mula sa likod ko at umakbay naman siya sa akin at tinignan ang mukha ko.

"Oh shit, oo nga." Gulat niyang sabi at napalayo nang bahagya sa akin.

"Mag kunwari kang nahimatay." Bulong sa akin ni Alex.

"Ha?" Taka kong tanong sa kanya.

"Bilisan mo na lang." Sabi niya pero hindi ako kumilos.

"Tigas ng bungo. Pipikit ka o kakaladkarin kita sa rooftop para itali sa poste sa gilid?" Sabi niya at agad naman akong pumikit. Lakas mang blackmail ng king ina.

"Sr! Sr! Sr! Si Shin nahimatay!" Sigaw ni Alex sabay buhat sakin na pang bride.

"Ha? Bakit ano nangyari?!" Natataranta niyang tanong at naramdaman ko naman na nagtakbuhan ang mga kaklase ko papalapit sa akin.

"Hindi ko alam Sr. nag-uusap lang kami tas bigla na siyang nawalan ng malay." Kunwaring natatarantang sabi ni Alex at itinago ko naman ang mukha ko sa leeg niya dahil hindi ko maiwasan na matawa.

"Sige sige. Dalhin mo na muna siya sa clinic." Sabi ng lecturer namin at naramdaman ko naman siyang naglakad na.

"Wag ka muna didilat. Matulog ka na." Sabi niya at ngumiti naman ako.

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon