Chapter 25. [Cookies]

97.3K 2K 168
                                    

KAYCEE'S POV

Hindi pa rin ako pinapansin ni Young Master.

Uwaaaaaa! Ang sama tuloy ng pakiramdam ko. Alam niyo yun? Para bang may sumaksak ng icepick sa puso ko at hindi na ito makapagfunction ng maayos?

Naguguilty ata ako sa ginawa ko eh. >//<

Kailangan kong magsorry! Tama! Kailangan!

Magbebake na lang ako ng chocolate chip cookies! Kumpleto naman ng ingredients dito sa bahay nila. Okay lang yun! Masaya nga yun eh!

Sana peace na kami. Ayoko talaga ng gulo. Kahit papaano, magaan naman ang loob ko sa kanya.

Pumasok na ako sa school ng maaga. Wala na si Blake dahil umalis rin siya kagabi. Ewan ko, nag-bar siguro? Pero yun nga. Pumasok na ako.

Dumaan muna ako sa building nila.

"Uhm, hi? Pumasok na ba si Blake?" tanong ko dun sa babaeng papasok pa lang sa building nila.

Sinamaan lang ako ng tingin nung babae at inirapan pa.

Aba't!

"Nakakainis yun ah. Wala ba ako dito? Huh. Iba na talaga kapag mayaman. Psh." bulong ko sa sarili ko.

Luckily, may napagtanungan akong matinong tao. Sabi niya, nasa may cafeteria daw si Blake. Nagpasalamat ako at umalis na.

Pagdating ko, nakita ko si Blake, nakikinig ng music sa iPod niya. May earphones kasing nakasuksok sa tenga niya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

Napatingin siya sakin.

Ngumiti ako.

Umiwas siya ng tingin at tumayo na.

"Blake! Teka lang Blake! Para sayo!" tumayo na rin ako at sinikap na mahabol siya.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon