Happy Ending..

4.9K 178 10
                                    

Natapos na nila ang pinamimili pauwi na sila ni Fay ,pareho silang nasa back seat at hindi niya pa rin makalimutan ang sinabi nito.

Nakakainis naman kasi si Tyron e! Bakit ba kasi hindi pa umamin na mahal niya ko para matapos na ang lahat ng ito!

Bigla naman sumingit ang kabilang bahagi ng isip niya.

Bakit ba kasi iniisip mo siya ang dapat mauna ? After all ikaw itong unang na fall sa kanya kaya dapat ikaw ang umamin o baka naman natatakot ka? Natatakot ka na iwan ka na niya pagnalaman niyang mahal mo siya at worst kunin niya na ang lahat ng sayo.

Napatigil siya saka tagusang napatitig sa bintana. Alam niyang isa iyon sa mga kinatatakot niya,ang mawala sa kanya si Tyron. She loves Tyron, and she feels that he loves her too, pero takot siyang sumugal ngayon. Alam niya kasing hindi niya pa kakayanin na malaman kung totoo ba o hindi ang ipinapakita ni Tyron sa kanya, napabuga na lang siya ng hangin .

"I can help you.." Napalingon naman siya kay Fay na nakangiting nakatingin sa kanya.

"Ha?"

"Pwede kitang tulungan, alam ko kung pano matatapos ang deal at kung pano mauuwi sa happily ever after ang love story niya." Tinitigan niya ito, saka tinantya kung dapat ba siyang maniwala dito.

"Wag na,pinagloloko mo lang ako." Napsibangot na sagot niya pero hinawakan nito ang kamay niya.

"Hindi no,basta maniwala ka sakin. Ok? Just leave it to me and go to the flow." Hindi niya alam kung bakit parang may kakaiba sa ngiti nito.

"O-ok.." Sagot niya, ngumiti ito ng malapad bago may sabihing dereksyon sa driver nito.

"Ok! Lets go our plan!" Hindi siya makapaniwala na ang hyper parin ni Fay kahit halos maubos na ang energy niya sa pag-iikot nila.

Ilang sandali ay nagulat siya ng makita na nasa harap sila ng isang hotel.

"Anong gagawin natin dito?" Takang tanong niya,nakangisi lang si Fay saka bumababa at sumunod naman siya dito.

"Halika mag-inn ka muna." Tinitigan niya ito saka pinaningkitan ng mga mata.

"Fay, anong kalokohan ang iniisip mo?"

"Basta, just go to the flow lang, don't worry hindi ka magtatagal dito,but first call someone na pedeng sumundo sayo mamaya."

"What? Iiwan mo ko dito?"

"Of course ! Basta bawal na ang tanong sumunod ka na lang para naman to sa happily everafter mo.." Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito,nag-inn sila saka siya iniwan nito sa mismong harapan ng kuwarto at umalis ,basta ang tanging sinabi nito ay wag siyang uuwi hanggat hindi si Tyron ang sumusundo sa kanya.

"Arr! Bakit ba napapaligiran ako ng mga AB ang dugo.. Ab-normal!" Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng hotel at dahil pagod siya ay mabilis  siyang humilata sa kama.

Pagkapikit na pagkapikit niya ay nakapahikab siya agad at tanging iniisip niya ay kung ano ba ang talagang plano ni Fay,hanggang sa makatulugan niya iyon.
.
.
.
.
.
.

Nagising siya ng may halos sumira na ng pinto ng hotel room niya kaya naman mabilis siyang napatayo.

"Ano bang pr-- Tyron?!" Gulat na gulat siya hindi dahil nakita niya itong nandoon kundi dahil sa itsura nito. Napaatras siya ng makita ang nag-aapoy na mga mata nito,dahilan para makapasok si Tyron sa loob.

"Where is him?!" Napanganga siya sa sinabi nito lalo na ng makitang parang timang na inikot nito ang buong room hotel mula sa kama hanggang sa banyo pati cabinet ay hindi nito pinatawad.

My Dream Husband (The Final Book: The Deal)Where stories live. Discover now