Chapter 42 "Purple"

48.3K 2K 517
                                    

Nicka's POV

"Choco,kumain ka na,oh.Sige na.Masarap 'to.Si Mommy ang nagluto nito.Bilis,kain ka na.Please?"

Umiling lang s'ya kaya bumagsak ang mga balikat ko.Kahapon pa s'ya ganito.Nag-aalala na tuloy sa kan'ya si Mama (Mom ni Ken).Ano ba kasing nangyari nung isang gabi?Simula nung nagpaalam s'ya sa 'king magkikita lang sila nila Liryu,hindi ko na ulit s'ya nakausap ng maayos.

"Nag-away ba kayo nila Liryu...?"

Hindi s'ya sumagot.Hindi ako sanay na tahimik s'ya.Naman eh.Namimiss ko na yung makulit kong candy boy.

"Baby ko~Smile ka na~"

Niyakap ko s'ya mula sa likod.

"'Pag malungkot ka,malulungkot na rin ako."

I pouted.Hinawakan n'ya ang mga kamay ko at lumingon sa 'kin.Ngumiti lang s'ya ng tipid.Sa itsura n'ya,parang wala s'yang tulog.Ang lungkot ng mga mata n'ya.Kahit inalok ko na s'ya ng napakaraming chocolate kanina,hindi pa rin nagbago ang mood n'ya.Nagsisimula na akong mangamba na baka maapektuhan na ang kalusugan n'ya.

"Pasensya na,Cola.Masama lang talaga ang pakiramdam ko,"sabi n'ya saka s'ya humiga sa kama.Lalo akong napa-pout.

"Wala ka namang sakit,ha?May umaway ba sayo?Sinong nang-away sa Choco ko?!"Itinaas ko pa yung sleeves ng damit ko na parang siga."Ipapatumba ko s'ya kay Sai!"

Napatingin ako sa kan'ya nung narinig ko syang parang inis na bumulong nung sinabi ko ang pangalan ni Sai.

"Ano 'yon,Choco?"

Inilapit ko pa yung tenga ko sa bibig n'ya para marinig ko ng maayos.

"'Wag mo na ulit babanggitin ang pangalang 'yan."

"B-bakit naman?Anong problema kay Sai?"

"Sinabi nang wag mo na ulit babanggitin ang pangalang 'yan eh!"

Napaatras ako nung bigla s'yang sumigaw.Hindi ko mapigilang matakot habang nakatingin sa kan'ya.Nakakakaba yung tingin n'ya.Parang punong-puno ng galit.

"A-ano bang problema?May ginawa ba sa 'yo si Sai?"

"Dahil sa kan'ya...nagkagulo kami.Dahil sa kan'ya kaya nagkakaganito kami nila Liryu!Dahil sa kan'ya kaya nasira kami!"

"Ken?!Ano ba 'yang sinasabi mo?!'Wag ka ngang magsalita ng gan'yan!"

"Totoo naman,ha?!Simula nang nakilala namin s'ya,puro gulo na lang ang dala n'ya!Bakit kailangang kami pa ang guluhin n'ya?!Bakit kami pa-"

*PAK!*

Pareho kaming natahimik nung bigla ko s'yang nasampal.Nanginginig pa ang kamay ko habang gulat na nakatingin sa kan'ya.Hindi ko sinasadyang masampal s'ya.Parang kusa na lang gumalaw ang kamay ko at-

"K-ken,Ken,I'm sorry.Hindi ko sinasadya.M-masakit ba-"

"Get out."

"H-ha?"

"Get out!"

Hinila n'ya ako palabas ng kwarto n'ya.Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko.

"Ken,please-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinara na n'ya agad yung pinto.Kumatok ako pero hindi na n'ya ulit ako pinagbuksan.Wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Ken,open the door.Mag-usap tayo,please."

"Umuwi ka na,Nicka.'Wag ka na ulit babalik."

"Ken naman!"

PEP2:The Dark-Eyed Prince (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon