Kabanata 7

22.6K 869 43
                                    

Napatulala ako kay Zec na naka ngiti lamang sa harapan ko. Nakasuot siya ng black suit at may maskara din siyang itim. Sa kanya ay natatakpan talaga ang kalahati ng mukha, pero kilalang kilala ko na ang boses at ngiti niya kaya hindi ako maaaring magkamali na si Zec to. Ang gwapo parin niya kahit may maskara siya dahil kita naman ang mapupula niyang mga labi. Saan galing ang damit at maskara nito?

"U-uhm hi!" Natatarantang bati ko at saka ako ngumiti sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag. Aaminin ko, masaya ako at dumating siya. Niligtas niya ako sa isang malaking kahihiyan.

"Sorry I'm late. I just ran a few errands." Nakangiting sabi sa akin ni Zec. Parang sanay na sanay siya magsinungaling. Criminal nga talaga yata to.

"It's okay. Hindi pa naman masiyadong matagal nung nagsimula ang party." Ngumiti din ako kay Zec. Kahit na nagsisinungaling kami pareho, ramdam ko na totoo ang ngitian naming dalawa. Di bale nang asarin niya ako bukas. Tatanggapin ko na lang. Iniligtas niya lang naman ako sa kahihiyan.

"W-waits." Napatingin kami parehas kay Rhoda at sa ang mga ali-pores niya na naka nganga parin sa aming dalawa. Tumingin si Rhoda kay Zec. "You look real familiarly."

Ang trying hard talaga mag english ng mga taong to. Napahawak ako sa noo ko, narinig ko namang tumawa ng mahina si Zec kaya siniko ko siya sa tagiliran dahil baka mahawa ako sa tawa niya at parehas kaming humalakhak ng malakas.

"Markus Wright" Pabulong na sabi ni Wendy, isa sa pores. Nakatulala siya kay Zec na parang isang artista ang nasa harap niya. "Hindi ako pwedeng magkamali. Araw-araw kong tinititigan ang mukha niya sa magazine. Memorize ko na ang bawat part ng mukha niya."

Nagkatinginan kami ni Zec na parang pareho kami ng iniisip. Markus Wright?

"Si Markus ang date mo?! Pero paano nangyari yun?" Gulat na sabi ni Rhoda. Edi natuwid ang pagsasalita nila. Halata namang hirap na hirap sila sa chosen language nila.

"Hi Markus! Tara sayaw tayo?" Yaya ni Hana. Isa din sa pores. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Hana. Wow ha, ang bilis nun ah.

"Excuse me. Pero ako ang date niya." Iniharang ko ang sarili ko sa kanila. Tumingin ako kay Zec. "Let's go?"

Umalis naman kami ni Zec at iniwan si Rhoda at ang mga alipores niyang nakanganga parin. Tawa kami ng tawa ni Zec ng makalayo kami sa kanila. Pero teka, may naalala ako. Ano daw tinawag nila kay Zec? Markus?

"Bakit ka nila tinawag na Markus Wright?" Nagtatakang tanong ko kay Zec. Napakunot ang noo ni Zec na parang malalim ang iniisip.

"I don't kow. Hindi kaya artista ako at insecure sa kagwapuhan ko ang mga bumaril sa akin?" Napataas naman ang isang kilay ko. Ang yabang talaga ng taong to.

"Kilala ko si Markus Fidel Wright, kung yun man ang tinutukoy nila. Isa siyang kilalang doctor sa Pilipinas, pero ang alam ko 50s na ang edad niya Hindi ka naman mukhang 50s!" Napatingin naman sa akin si Zec.

"Sabagay. Masiyado akong fresh. At saka ang sabi mo Zec ang tinawag ng mga taong bumaril sakin." Tumango tango nalang ako. Napa-isip kasi ako ng pwedeng pagkuhaan ng 'Zec' sa pangalang yun at oo nga naman ang layo ng Zec sa Markus Fidel.

"Hindi ka pa ba nababaliw dahil wala kang alam sa sarili mo?" Tanong ko kay Zec. Tumawa naman siya ng mahina.

"Hindi pa naman. Pero feeling ko malapit na." Pagbibiro niya sakin. Tumingin siya sa fountain na nasa tabi namin. "Nalulungkot ako pero okay lang. At least I know that my name's Zec and the most important is I'm alive. Thank you."

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon