CHAPTER 2

1K 18 2
                                    

"Sa akin sasama si Venice "sabi ni  Alexandra habang hawak hawak ang kamay ko.

"No! She's not going with you kasi sa akin siya sasama" sabi naman ni Jamaica na hawak hawak ang isa kong kamay.

"Ano ba! Sabi ng sa akin sasama si Venice eh! Kaya let her hand go na!" sigaw naman ni Alexandra kay Jamaica.

"Alam mo Alexandra sa akin talaga sasama si Venice since ako naman ang una niyang naging close! kaya shoo!alis! " pagpa-alis nito kay Alexandra.

"FYI lang Jamaica Sheen Laurel huh? Ako ang unang naging close ni Zien Venice kung hindi nga lang umeksena yung magaling niyang ate. Kaya sa ating dalawa? Ikaw ang dapat umalis no" sabay irap ni Alexandra kay Jamaica.

Napailing-iling na lang ako habang tinitingnan silang dalawa. Paano ba naman kasi, kanina pa nila pinag-aawayan kung kanino ako sasama sa kanilang dalawa para kumain mamaya sa break time namin. Eh palagi naman kaming sabay kung kumain. At hep! Kung nagtataka siguro kayo kung bakit ganito silang dalawa ngayon at pinag-aagawan ako, kasi naman nag-aaway ang dalawang iyan.

Hindi ko nga alam kung ano ang dahilan ng pinag-awayan nila. Samantalang nung Last Friday ay okay naman sila. Sigurado naman ako na kung ano ang pinag-awayan nila ay dahil na naman iyan sa mga artistang sini-ship nila.

"Can you stop? nahihilo na ako sa inyong dalawa eh. Baka naman siguro pwede munang umupo tayo hindi ba?" pag-aawat ko sa kanila sabay cross arms at dumiretso sa seats namin. Sumunod naman silang dalawa sa akin at umupo na din.

Mabuti naman at sumunod ang dalawang to. -_-

"So ano na Venice? sa akin ka sasama diba?" excited na tanong ni Jamaica sa akin. Sasagot na sana ako kaso naunahan naman ako ng isa kong kaibigan na nasa tabi ko din.

"Jamaica alam mo? wag ka ng umasa na sasama sayo si Venice kasi nga sa akin siya sasama sa ayaw at sa gusto mo" sabay irap niya.

"Huh? Ikaw ang wag umasa! Kasi sa akin siya sasama" angal naman ni Jamaica

"What!? Ako? Aasa?! AKO pa talaga huh?" syempre hindi naman magpapatalo ang isang to.

Eto na naman sila sa bangayan nila eh.

"Pwede ba tumahimik muna kayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Nagulat naman sila kaya naman tumahimik naman din sila.

"Eh kasi naman Venice eh diba sa akin ka sasama mamaya kumain?" pagmamaktol ni Jamaica at nag pout pa. Tss. May nalalaman pang ganyan.

"Eeew! Hindi bagay sayo ang mag pout. Nagmumukha kang aso" sabi naman ni Alexandra.

Magsasalita pa sana si Jamaica pero inunahan ko na siya. Mahirap na baka lumala pa ito.

"Alam niyo kanina pa ako naiingayan sa inyo eh. Wala akong sasamahan ni isa sa inyo kasi sabay tayong kakain mamaya sa ayaw at sa gusto niyo" sabi ko sa kanila na siyang ikanamaktol nilang dalawa.

"What!? Iyan isasabay natin ?! Venice naman!" sabay nilang angal sa sinabi ko.

At talagang sabay pa nilang sinabi iyan ha?

"What? Aangal pa kayo?" poker face kong sabi sa kanila.

Bagsak balikat naman na umupo si Alexandra. Same as Jamaica.

"Eh Venice naman bakit pa natin isasama iyang si  Alexandra?" - Jamaica

"Duh! Mali ang term mo jan Jamaica. Dapat ang sinabi mo is 'Eh Venice bakit kailangan pa akong sumama?' " sabay gaya ng boses ni Jamaica.

Mabuti na lang at may mga sariling mundo ang iba naming mga kaklase kung hindi ay baka iniwan ko na tong dalawa na to dito.

"Pili kayo. Sasama ako sa inyong dalawa kakain mamaya o kayong dalawa na lang?" pagpapili ko sa kanila. Sabay naman silang ngumuso.

A Vampire's Love Where stories live. Discover now