Chapter 28

1.6K 79 20
                                    


Chapter 28 - Interrogation


Wala na si Jacin.

Gusto ko sana siyang sundan at hanapin pero baka umuwi na sya. Kasalanan ko naman eh, kanina ko pa siya pilit na pinapauwi at kung anu-ano pa ang mga sinabi ko.

Bumuntong hininga ako at bumalik na lang sa library.

Nagsinungaling ako kay Jacin kanina nang sabihin kong patapos na kami ni Ms Fe. Kung hindi niya siguro kami tinulungan na buhatin halos lahat ng mga aklat, malamang inumaga na kami ni Ms. Fe rito.

"Magpapanggap akong hindi ko narinig ang away n'yong dalawa." saad ni Ms. Fe pagbalik ko, habang inaayos ang mga shelf.

Bumuntong hininga na lang ulit ako at nagpatuloy sa ginagawa ko kanina. Nilista ko ang mga aklat at binigay ang mga ito sa shelf.

Ang sakit ng katawan ko.

Nag-stretch ako ng likod at ng mga braso.

Matapos ang ilang oras, sa wakas ay natapos kami. Palaging nakatago

Gaya ng ng dati, madilim na nang makalabas kami ng library.

"Sumabay ka na sa'kin palabas, June. Sa labas ka rin naman susunduin ng papa mo 'di ba—but never mind, mukhang iba ang sundo mo ngayon e." sabi ni Ms. Fe saka ako kinandatan.

Naintindihan ko lang ang sinabi niya nang makita ko si Jacin, nakasandal sa gilid ng red Lamborghini niya, na nakaparada sa harap ng library.

Ang akala ko umuwi na siya.Hindi na naman tuloy magkamayaw ang puso ko pagkakita sa kanya.

Napatitig na lang ako sa kanya, habang siya ganun din sakin.

Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha niya.

Naramdaman yata ni Ms. Fe ang tensyon sa pagitan namin kaya tumikhim siya at muling nagsalita. "I'll go now June, and Mr. Mendes, take good care of her."

"I will, Ms. Fe." seryosong sabi ni Jacin, blangko pa rin ang mukha at hindi man lang tiningnan si Ms. Fe.

Umalis nang tuluyan si Ms. Fe at kaming dalawa na lang ang naiwan.

Napalunok ako. "A-ano pang g-ginagawa mo dito? A-akala ko u-umuwi ka na."

"Hinihintay ka, ano pa ba?" halata ang inis sa tono niya.

"N-nauna ka na dapat."

"Mag-uusap pa tayo." madiing sabi niya.

"A-ano bang pag-uusapan natin? P-pwede bang bukas na lang? B-baka hinihintay na ko ni Tatay sa labas e."

"He went back home. Kinausap ko na siya kanina."

"E-e-eh? K-kinausap mo s-si T-tatay?"

"Nagpaalam ako kung pwedeng ako na lang ang maghatid sa'yo."

Napalunok ako.

"I told him that I am your boyfriend. He didn't know about us, Andrea June and I'm guessing your Mom didn't too. It's been two months. Why? Why didn't you tell them about me? About us?" nagtatampo si Jacin. His eyes are sad, at bahagya pang nakanguso.

"E-e-eh? K-k-kasi..." napatakip ako bigla ng bibig ko. "Ibig sabihin... a-alam na ng parents mo?"

"I told them the night we came back here, two months ago but that's not the point." Bumuntong hininga siya at mas lalo pang naging seryoso ang itsura. "Akala mo ba nakikipaglokohan lang ako Andrea June? Akala mo ba laro lang 'to?"

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon