Chapter 66: Her Limit

2.2K 77 14
                                    

This chapter is dedicated to you VinelUbanan. Thanks for your support :)






~*~










(Carlos POV)








Pinanood ko sila ng masinsinan. Si Cashmere, sya ang may malaking tyansang makakalaban namin. I don't know pero nangingilabot ako. Parang gusto ko na lang tumakbo shet!


At her last blow, ginamit nya ang ability ni Carl na sa tingin ko ay kagagaya nya lamang. Pinalaki nya ang kanyang kanang paa at inapak-apakan nya ang kalaban nya hanggang mabaon ito sa semento. Napalunok na lamang ako ng sunod sunod sa mga nasaksihan.


BRUTAL!



"Woah! That was hilarious for a girl like you." Komento ng emcee bago idineklara na ang sunod na maglalaban ay sina Carl at Cashmere.


Ngayon pantay na ang laban. Isang medyo hinihingal na si Cashmere at si Carl na nakabawi na ng lakas ngunit may iisa lamang na abilidad.


Ipanalo mo sana yan Carl. Ayokong madurugan ng buto. Huhuhuhu.



"Mamamatay na tayo Carlos." Bulong sa akin ni Vanessa bago kumapit sa aking laylayan ng damit.


Tumango tango naman ako sa kanya habang pinupunasan ang namumuong malalamig na pawis sa aking noo. Simula kasi nang malaman naming si Cash ang anak ng Dark King ay hindi na kami mapanatag sa kanya pag sya'y malapit. Is it bad? Ang katawan na namin ang mismong nagrereact.



"Are you still scared?"



Tanong ni Frank nang tumabi ito sa akin. Nakakaguilty pagtitingin ka sa mga mata ng lalaking to eh. Nangongonsensya at nagpapaawa! Ang sama lang.


"That's natural. She's born in the dark and were born in light." Casual na sagot ko sa kanya.


"But she's not bad isn't she?"



Ayoko tumingin. Kinokonsensya na nga ako ng mga salita nya, kaya di na kelangang tignan ang mukha.


"Who knows?" Kibit balikat kong sagot kahit na alam ko naman ang tamang sagot doon.


Yes. She's not bad. Still, I'll keep my distance.


"Sira!" Natatawa syang tumayo bago guluhin ang aking buhok.


Napabusangot na lamang ako at hindi na gumanti pa. Totoo naman kasi ang sinabi nya, sira na kung sira. What if bigla na lang nya kaming patayin pagnakababa ang defense namin? Grr. Edi wala na. Wala ba akong tiwala sa kanya o naiinis lang ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang sya mapagtanggol sa sarili ko mismo?


Pinanganak at lumaki ako na pinapatay ang mga kauri nya kaya hindi nyo ko masisisi. Lalo na't ang kauri nya ang dahilan kaya nawala ang aking pamilya.

"Uy!"


Hindi ko pinansin si Vanessa na kanina pa dutdot ng dutdot sa tagiliran ko. Wala naman akong kiliti dyan eh.

"You're spacing out again!" Iritable nyang lintaya.


"I know." Sagot ko lamang sa kanya na ikinanguso nya.


"Cold." Bulong nya na rinig ko naman.



"I am."



"Bat ba ang sungit mo?!"



Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon