27

47 2 0
                                    

Shin's POV

"Andito na pala yung bugarets." Sabi ni Delanxe pagkapasok ko sa classroom.

"Best actress!" Pang-aasar sakin ng mga kaklase namin at tinawanan ko lang sila. Alam na pala nila na acting lang, ano ba 'yan!

"Pagkatapos ka naming hintayin na magising, iiwan mo na lang kami basta?" Sabi ni Alex at umirap sa akin habang umiiling pa ang ulo. 

"Hoy babae, halika nga rito. 'Yang mga 'yan na lang lagi mong kasama eh." Sabi ni Brigitte at pinaupo ako sa gitna nila ni Delanxe.

"Miss niyo ako?" Natatawa kong tanong sa kanila at lumayo sila sa akin. Ano bang problema nitong dalawang 'to? Papaupuin ako malapit sa kanila tapos lalayo. Abnormal.

"Ikaw ha! Porkit kayo na ni Kris mo hindi ka na sumasama samin?" Pagsesermon sa akin ni Brigitte. Tumingin naman ako sa mga kaklase ko at mukhang wala namang nakarinig sa kanila nung sinabi ni Brigitte.

"Wag kang maingay! Gusto mo bang kutusan kita dyan? Sinabi nang bawal ipagkalat."Pagsesermon ko naman sa kanya then she apologetically smiled bago ako simangutan uit. 

"Wag kang change topic dyan! Delanxe tulungan mo nga ako dito! 'Di ako mananalo rito e." Pagsusumbong ni Brigitte kay Delanxe na walang pakielam sa amin. 

"Kahit naman kakampi mo ko di tayo mananalo dyan. Walang preno bibig nyan." Pang-aasar pa sa akin ni Delanxe at hinampas ko naman siya sa balikat. 

"Wow! Mas okay na 'yong maingay kesa mamaho hininga ko sa pananahimik." Sabi ko sabay irap sa kanya at inirapan din naman niya ako pabalik habang hinihimas ang balikat niyang hinampas ko. 

"Tignan mo, nagtabi-tabi sila para mag-away." Mahinang sabi ni Keneth na nasa likod naming tatlo.

"Siyempre walang magpapatalo sa mga babae, no. Amazona yang tatlong yan, e. Lalo na si Shin." Pagdagdag pa ni Kevin.

"Kahit sino namang kasama niyang si Shin, laging nagkakaron ng away." Sawsaw pa ni Alex.

"Ayan ba yung sinasabi nilang backstabbsing?" Bulong samin ni Brigitte. Anong backstabbsing?!

"Sa tingin ko nga." Bulong naman ni Delanxe at nagtaasan ang kilay nilang dalawa. Minsan hindi ko rin alam kung bakit ganitong mga kaibigan ang naka palibot sa akin, matino naman ako. 

"BINA-BACKSTABS NIYO BA SI SHIN?!!" Sigaw nung dalawa sa tatlo at napatintin naman sa kanila yung lahat ng tao dito sa room. Oh god.

"Kanina lang sila ang magkakaaway, ngayon tayo na inaaway nila." Sabi ni Keneth at bumuntong hininga.

"Hay nako mga babae nga naman." Sabi naman ni Kevin at humalukipkip habang natatawa na rin ako sa mga pakulo nila. 

"Buti na lang lalaki tayo, 'no?" Natatawang sabi ni Alex at nakipag-apir dun sa dalawa.

"Bad kayo!" Sabi sa kanila ni Brigitte at padabog na umupo sa upuan niya.

 "Ikaw rin, bad ka!" Sigaw niya nung mapatingin siya sa akin.

"Ano na namang ginawa ko sayo?" Natatawa kong tanong. Napaka talaga nitong babaeng 'to, hindi ko na malaman kung ano ang trip sa buhay! 

"Ba't 'di ka sumasagot sa mga text ko?! Pati tawag ko?! Kasama mo lagi yang boylet mo kaya hindi mo na kami naaalala!" Parang bata niyang sabi pumamewang pa sa harap ko. 

"Aba? Kailan ka tumawag at nag-text sakin, aber?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Aba! Lagi akong tumatawag sayo, 'no!" Pagdedepensa niya pa sa sarili niya at natawa naman ako. 

I Know Places (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon