CHAPTER 3

761 19 3
                                    

AN: Venice's bedroom image at the TOP.

ENJOY READING!

~ ~

Kanina pa ako naghihintay kay Ethan na kanina pa bumaba para kumuha ng makakain namin. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakikinig ng mga music. Ang comfortable talaga sa feeling kapag nandito ako sa kwarto. Madilim kasi at hindi masyadong nabibigyan ng liwanag.

Siguro nagtataka kayo noh? Actually kasi ayaw ko sa mga matataong lugar. Ayaw ko sa maliliwanag. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko sa mga ganong bagay. Basta ang gusto ko lang ay palagi akong nasa madidilim na lugar.

Kaya naman napagpasyahan ko na gawing dark itong kwarto ko. Pero tamang-tama lang naman dahil kahit papaano ay may window din naman para makikita ko pa din yung view na nasa labas.

Ba't ang tagal naman ng lalaking yun?

Nagugutom na talaga ako eh! Nasa'n na ba kasi ang lalaking yun? Akala ko ba kukuha lang siya ng makakain namin? o baka naman naligaw siya dito sa bahay?

Napailing-iling naman ako sa aking naisip. Imposible naman yata yung naisip ko. Si Ethan maliligaw dito? IMPOSIBLE.

Sa huli ay napagpasyahan ko na din na bumaba para tingnan kung ano ba ang ginagawa ng lalaking yun.

Inilapag ko muna sa table ko ang phone ko and then lumabas na ako sa kwarto ko.

Habang papunta ako sa kusina namin ay may narinig akong parang nag-uusap. Pinakinggan ko naman ito kung sino at nagtago muna dito sa labas ng pinto ng kitchen and to my surprise ...

"Ethan alam mo naman kung ano talaga ang dapat na gagawin"

" I know what to do already . What I want is what I get. "

"Good to know"

Si Ethan at Madam Franca nag-uusap?!

Atsaka ano naman yung pinag-uusapan nila? Ang seryoso naman nila habang nag-uusap. Wag na nga lang ako tumuloy. Baka mamaya importante yung pinag-uusapan nila eh.

Tatalikod na sana ako ng nasagi ko ang vase and to my bad luck hindi ko man lang nasalo na naging dahilan upang makagawa ito ng ingay.

Bigla namang bumukas ang pinto. Oh no! What to do Venice? Baka mamaya sabihan ka pa nila na chismosa eh hindi naman . Hindi nga ba?

"Venice? Ka-kanina ka pa ba nandito?"

"U-uhm..." hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kasi naman hindi ko alam ang gagawin ko. Kung sa vase ba o sa kanila?

"Kadadating ko lang naman para sana tingnan ka kung bakit ang tagal mo dumating sa kwarto kasi nagugutom na ako kaya nga lang para namang may pinag-uusapan kayo ni Madam Franca na importante kaya hindi na sana ako tutuloy kaso eto nga .... may nabasag" mahinang sabi ko at napayuko.

Nilapitan naman ako ni Ethan at niyakap. Bakit parang kinakabahan si Ethan kanina? Yung para bang malapit na siyang mahuli mula sa isang kasalanan? O baka naman namamalikmata lang ako. Tama yung nga siguro.

"Sorry Venice natagalan ako kasi nagpaturo ako kay Ti- Madam Franca eh" dahilan naman ni Ethan. Nagpapaturo? Pero bakit parang feeling ko may iba pa talagang ibig sabihin yung pag-uusap nila kanina?

Napatango na lamang ako bilang sagot.

"Maam Venice, umakyat na ho kayo doon ni Ethan at ako na ang magpapahatid ng mga makakain ninyo" sabi naman ni Madam Franca. Iginaya naman ako ni Ethan paakyat.

Habang naglalakad kami pabalik ng kwarto ay tahimik lamang ako. Ang akward naman kasi eh.

Pagpasok namin ng kwarto ay dumiretso agad ako sa kama ko at doon humiga. Napatingin naman ako sa kabilang side ng kama ko ng maramdamang parang lumubog iyon.

A Vampire's Love Where stories live. Discover now