Kabanata 8

21.2K 922 11
                                    

Nakatingin lang kami kay Rhoda at sa mga alagad niya na nakatayo sa harap namin na masama ang tingin sa akin. Isa kasi kami sa participant na sasama. Ewan ko ba dito kay Zec, ni hindi nga namin alam kung marunong siya at basta-basta nalang nagpalista.

"I'll try." Walang ganang sabi ni Zec. Hindi ko din alam kung bakit ngumisi si Rhoda at nagsitinginan sa mga kasamahan niya.


"Kung ikaw talaga si Markus tanggalin mo ang maskara mo." sabi ni Rhoda. Salamat naman sa diyos at sumuko na sila sa maarte language nila.

"Wala akong sinabing ako si Markus at hindi ko tatanggalin ang maskara ko. I just said that I will try this ridiculous game." Walang kalutay lutay na sabi ni Zec sa kanya.

Parang napahiya naman doon si Rhoda pero hindi niya pinansin ang sinabi ni Zec.

"O sige simulan na lang natin." Maangas parin niyang sabi. Alam ko ang itsurang ganyan ni Rhoda. Ganyan ang itsura niya kapag gusto niyang magpahiya ng tao. Alam ko dahil minsan na akong nabiktima niyan.

"Pwede ba Rhoda? Wala kaming panahon sa inyo. Uuwi nalang kami at may mas mahalaga pa kaming dapat gawin." Mataray na sabi ko.


I tried to pull Zec pero nanatili lang siyang nakatayo. Tumingala ako upang tignan siya pero nakatitig lang siya sa akin.


"I want to do this, Krisandra." Sabi niya sa seryosong tono na sobrang bihira ko lang marinig na gamit niya. Hinarap na niya ako at hinawakan ang isang kamay ko. "I want to do this for you."


"Tama na ang salita. Hindi rin naman namin kayo papayagang umalis hangga't hindi niya ginagawa ang ipapagawa namin." Tinuro niya si Zec na nakatingin lang ng seryoso sa kanila.

"Okay. Let's start." Hinila ko ang kamay ni Zec na hanggang ngayon ay hawak ko parin. Napatingin namn siya sakin.

"Zec, wag na. Wag mo nang patulan!" Pasigaw na bulong ko kay Zec. Sandali siyang tumingin sakin bago nagsalita.

"Hindi rin naman nila tayo titigilan hangga't hindi ko ginagawa ang ipapagawa nila." Tumikhim naman si Rhoda at napansin kong pilit na nakikinig ang mga tao sa paligid sa bulungan namin ni Zec.

"Likes what I say." Napa irap ako. Heto nanaman po ang language. Nilakasan ni Rhoda ang boses niya para marinig din ng ibang contestant sa laro. "The winner for the arch... arch..."


"Archery." Walang kagana-ganang sabay ko. Rinig ko naman ang pigil ng tawa ng ibang tao at nakita ko ang masamang tingin sa akin ni Rhoda. Tumikhim siya bago nag simula ulit.

"Who will won the game will get grocery over there. Tara na!"


Sumunod kami sa kanya at naglakad papunta sa kung saan. Tumingin ako sa paligid at ngayon ko lang napansin ang isang malaking gate at may nakasulat na 'Adventure Area'. Napapikit ako ng mariin. Syete lang. Ano to Alice in wonderland? Biglang may susulpot na Adventure area sa garden? Baka mamaya may makita na akong rabit dito.

Tumingin ako sa kanan at syete may rabit nga!

"Pavey hulihin mo si rabrab. nakatakas nanaman sa kulungan." Narinig kong sabi ng isang babae sa batang lalaki. Hinabol naman nung bata yung rabit at hinuli. Tumingin siya sakin at ngumiti. "Ako nga po pala si Paula. Kami ang namamahala dito."

"Talaga bang may Archery dito?" Paninigurado ko kay Paula. Tumango naman ito.

"Ah oo. Bukod kasi sa garden may resort din to at yun ang sports area. Dating bahay lang namin to pero naisip ni Tatay na ibahagi sa mga tao ang kagandahan ng lupain namin kaya naisip naming gawing negosyo."

Namangha naman ako sa sinabi ni Paula. Bakit hindi ko alam ang lugar na to? Kung sabagay medyo malayo kasi at saka wala din akong interes sa mga ganitong bagay dahil puro pag-aaral at pagpapayaman ang inaatupag ko.

"Stop na nga! So madaming satsat pa kasi eh. Let's go na sa arch.."

"Archery." Pagtuloy ka nanaman sa sinabi ni Rhoda, mukhang nakalimutan nanaman. Hindi na napigilan ng mga tao ang tawa nila. Bakit ganon? Parang sanay na sanay si Rhoda ipahiya ang sarili niya.

"Tss. Pabida." Sabay irap at talikod sakin papunta sa adventure area. Hindi ko alam ang nangyayari pero halos lahat ng tao nakasunod sa amin. Mga chismoso at chismosa!

Pagpasok namin sa adventure area nakita ko ang iba't ibang uri ng sports arena. May para sa baril, rock climbing, at kung anu-ano pa. Tumingin ako sa kaliwa at nakita ko ang Archery area. May mga apoy sa paligid na nagsisilbing liwanag.

Binigyan na ng pana si Zec bilang unang contestant. Lord kayo na po ang bahala. Wag naman po sanang lumiko ang arrow papunta sakin. Kahit kay Rhoda nalang. Nagulat ako ng biglang lumakas ang apoy malapit sa akin. Joke lang po Lord! Kayo naman di na mabiro. Alam mo naman na mabait ako pero wag niyo muna akong kunin.

Bumalik ang attention ko kay Zec nang magsimula niyang kunin ang pana. Mukhang hindi nga siya marunong kung paano gumamit nun. Itinira niya ang pana at ni hindi manlang umabot sa target. Pangalawang tira at wala parin, hanggang sa pangatlo. Nagsimula nang magbulong bulungan ang mga tao. Hanggang lima lang ang pwede.

"Sabi na hindi siya si Markus." Naring kong bulong ng isang alipores ni Rhoda.

"Wala naman pala yan eh."

"Puro yabang lang."

"Hi Kriseng, gumaganda ka yata." Narinig kong bati sa akin ni Rowel habang may hawak na mansanas at itinatapon tapon ito sa ere at sinasalo.

Siya ang first boyfriend ko nung 1st year college na inagaw sa akin ni Rhoda. Hindi naman talaga ako nasaktan nung naghiwalay kami dahil hindi ako nag invest ng emotion. Puro pagpapayaman lang talaga ang gusto ko noon eh. Hanggang ngayon. Nginitian ko lang siya at tinignan ulit si Zec na nagsasalang ng palaso sa pana pero parang hindi parin alam kung tama ang ginagawa niya.

"Wala namang binatbat yang date mo. Gusto mo tayo nalang ulit? Mukhang mas gwapo naman ako sa lalaking yan. Mas sexy ka na yata ngayon ah. " Nakita kong tinignan niya ang katawan ko na parang namamanyak. Napatakip naman ako bigla sa dibdib ko.

Magsasalita na sana ako para depensahan si Zec at paalisin siya sa harap ko ng biglang may palaso na tumusok sa mansanas habang nasa ere ito na inihagis ni Rowel.

Napasinghap ang mga tao at lahat tahimik na parang kapag may nahulog na karayom ay maririnig pa rin. Agad kong tinignan ang pinanggalingan ng pana at nakita ko si Zec na naka-position ng parang kakatapos niya lang tumira at nakaharap sa direksyon amin. Nakita kong sandali siyang nagulat sa ginawa niya pero agad siyang nakabawi.


"You were saying something?" Sumulyap siya kay Rowel habang kampanteng naglalagay ng isa pang bala ng pana sa palaso na para bang matagal na niya iyong ginagawa.


Sa sobrang pagkabigla, hindi nakapag salita si Rowel lalo na nang itutuok ni Zec ang pana sa may bandang ano niya. Kitang kita ko kung paano namutla at nanigas sa kinatatayuan niya si Rowel. Nanlaki ang nga mata ko at pipigilan ko na sana si Zec nang bigla siyang umikot at binitawan ang pana.


Halos mahulog ang panga ko sa lupa nang tignan ko ang target area. Bullseye.

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon