CHAPTER 4

695 17 1
                                    

HUNTER'S POV

"I said YOU.NEED.TO.GUIDE.HER. I didn't said that you also need to fuckin touch her!" madiing sabi ko. How dare him to fuckin touch my girl? I am the only one who has the right to fuckin hug and kiss her.

"Whoah! Easy there dude. Just calm okay? " sabi niya.

"How can I fuckin calm? huh? Tell me!? You touched her! How dare you?!" hinila ko naman ang kwelyo niya. Nagagalit ako sa kanya. Oo at sinabi kong bantayan niya siya pero hindi ko sinabing kailangan niya ding hawakan o halikan ang pinababantayan ko sa kanya.

Walang pwedeng humawak sa kaniya maliban sa akin. Ako lang ang pwede. Ako lang!

"Okay! I'm sorry. I was just....hindi ko na gagawin ulit yon" sabi niya.

Pulang pula na ang mga mata ko dahil sa galit.

"Just make sure you won't. Kahit na kaibigan pa kita hindi ko pa din hahayaang basta basta mo nalang siyang hahawakan o lalapitan. Now get out! I don't want too see your fuckin damn face right now. " mahinang sabi ko at binitawan ang kwelyo niya.

Lumabas naman siya ng  walang sabi-sabi.

Naiinis na pinaghahagis ko ang mga gamit ko sa lamesa.

Napahawak ako sa buhok ko sa sobrang galit na nararamdaman.

"Soon baby. Soon. We will see each other and when that time happen, I will fucking make sure that no one can able to go near with you except me"

SOMEONE'S POV

"Sigurado ka bang iyon lang ang ginagawa mo? Siguraduhin mo lang na ginagawa mo ng tama ang pagmamanman mo sa kanila." sabi ng aking ama na naka-upo ngayon sa kanyang trono.

"Oo ama. Pero nais kong humingi ng kapalit sa kabila ng aking pagmamanman sa kanila.. sa kanya" sabi ko. Tiningnan naman ako ni ama.

"Ano iyon?"

"Pag nasa ating panig na siya o pag napasa atin na siya. Maari ko ba siyang gawing aking reyna?"

Napatawa naman ng malakas ang aking ama. Ano ba ang nakakatawa?

"Sinasabi ko na nga ba at hindi lamang pagmamanman ang iyong ginagawa sa kanya mahal kong anak. Nagkakagusto ka na din pala sa itinakda"

Ang daming paligoy-ligoy. Pwede namang sagutan ng mabilisan.Pinapatagal pa.

"Kailangan ko ang iyong sagot ama" walang ekspresyon kong sabi.

"Oo aking anak. Ako ay pumapayag na gawin mo siyang iyong reyna kung iyan ang ikasasaya mo." 

"Maraming salamat ama"  pasasalamat ko sa kanya.

"Walang anuman basta sa ikaliligaya mo ay hindi ako tututol. Pero hindi ibig sabihin non ay ititigil na natin ang plano laban sa kanila. Kailangan natin siya upang makapaghiganti. Kunin mo ang kanyang loob at kung maari ay paibigin mo siya sa iyo. Tapos na ang paghahanap natin sa kanya at ngayong nahanap na natin siya, kailangan mo ng tapusin ang naumpisahan na" mahabang litanya ng aking ama.

"Ama wag niyo din sanang kakalimutan na mahal ko ang babaeng iyong tinutukoy na ating  gagamitin. Wag kayong mag-alala. Paiibigin ko siya sa akin katulad ng pagmamahal ko sa kaniya"

"Magaling anak. Sana matupad mo ang iyong plano sa lalong madaling panahon. Kailangan nating mapabagsak ang kalaban habang maaga pa"

"Maliwanag ama" iyon lang ang sinagot ko at ako'y tumalikod na.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa silid na iyon ay agad na dumiretso ako sa mundo ng mga tao.

'Magiging akin ka din balang araw. Kung kailangan kong kalabanin ang lahat maging  akin ka lang ay gagawin ko, mahal ko'

A Vampire's Love Where stories live. Discover now