1

38.6K 442 174
                                    

Sana's POV

"Guys! Let's celebrate!" Masayang saad ni Nayeon-unnie sa amin habang naka-upo sa cafeteria.

"Para saan naman?" Nakataas na kilay na tanong ni Jihyo.

"1st anniversary namin ngayon ni Jeongyeon!"

"No thanks. Kakain na lang ako sa bahay." Sabi ni Momo habang ngumunguya.

"Madaming pagkain doon." Kumbinsi naman ni Jeonyeon-unnie kay Momo.

"Tara!!" Sigaw ni Momo habang nakataas ang dalawang kamay.

Basta talaga pagkain.

"Sige na Jihyo! Sumama ka na!" Sabi ni Momo habang hawak ang magkabilang balikat ni Jihyo.

"Oo na! Basta talaga pagkain Momo e!" Inis na sabi niya. "Ikaw Sana?"

"Hindi ko alam. Alam niyo namang hindi ako mahilig sa mga ganyan." Kibit balikat kong sabi.

"Don't be a party pooper Sana." Sabi ni Jeonyeon-unnie. "Ano sasama ka?"

"Oo na. Wala naman akong magagawa."

"Sure sasama na rin ako." Mahinang sabi ni Mina.

"Yees!!" Masayang sabi ni Momo.

"Ewan ko sayo Momo." Sabi ni Jihyo habang umiiling.

Nag-make face naman si Momo kay Jihyo.

"Sige guys, uwi na ako baka hinahanap na kasi ako sa bahay." Paalam ko sa kanila.

"Daanan ka na lang namin sa bahay niyo." Sabi naman ni Jeongyeon-unnie kaya tumango na lang ako at nag-umpisa ng mag-lakad.

Kung nag-tataka kayo kung sino ako I am Minatozaki Sana, 22 years old (not sure) nag-aaral sa JYP University exclusively for girls only. Hindi naman kami mayaman at hindi rin mahirap, average lang kumbaga. Taxi driver ang Appa ko sa Seoul city habang ang Umma ko naman ay naka-stay lang sa bahay. Lumipat kami dito sa Korea para makahanap ng mas magandang trabaho ang mga magulang ko.

"Kanina ka pa ba nandito Sana?" Tanong ni Umma.

Lumapit naman akosa kanya at hinalikan sa pisnge. "Hindi naman po."

"Mag-meryenda ka muna." Kaya umupo na ako at kinain ang niluto niya.

"Si Appa po pala?" Tanong ko kay Umma.

"Mamaya pa uuwi ang Appa mo. Tirahan mo na lang ang Appa mo panigurado gutom yun pagka-uwi."

"Umma, nag-invite nga po pala si Nayeon-unnie kasi anniversary po nila ni Jeonyeon-unnie." Paalam ko.

Hindi naman sila against sa mga katulad nila Nayeon-unnie at Jeongyeon-unnie.

"Kaylan ba yan?" Tanong ni Umma at umupo sa harap ko.

Sasagot na sana ako ng sakto namang dumating si Appa sa bahay.

"Oh, anong meron dito?" Tanong ni Appa at naupo sa tabi ni Umma.

"Itong anak mo nag-papaalam kung pwedeng sumama kayla Nayeon." Sabi ni Umma.

"Oo naman."

"Dadaanan naman po ako nila Nayeon-uunie dito." Sabi ko sa kanila. "Busog na po ako."

"Syempre ubos na e." Pang-aasar ni Appa sa akin.

"Appa!~"

"Wag mo na ngang asarin yang anak mo." Iling na sabi ni Umma. "Mag-bihis ka na Sana."

Inlove With A Perverted Girl!? || SatzuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon