Track 3: Mini World

62.7K 2.3K 1.2K
                                    


Melody's Point of View


"We'll get going. See you around!"

Hinila na ni Jarvis si Aiden at Leo para raw sa practice ng banda nila. Si Kelsey naman ay naiwan sa tapat ng table namin at si Ingrid ay bumalik sa pagkain.

Ilang sandali lang ay hinila ni Kelsey ang isang upuan, tumabi sa akin at nagtanong kay Ingrid. "Close ka ba sa Midnight Chasers?" Kaya lang sa halip na sumagot ay nagpatuloy lang sa pagkain itong isa. As expected of my best friend.

"Paano mo sila nakilala?" tanong ko sa kaniya dahil mukhang wala siyang balak sagutin 'tong si Kelsey. Minsan kasi naniniwala siya sa kasabihan na 'don't talk to strangers' kahit na nagpakilala na si Kelsey kanina.

"Hindi ba dapat nagtratrabaho ka?" tanong niya kay Kelsey at saka sinimot ang cake na kinakain niya.

Natahimik si Kelsey at saka tiningnan ang ibang nagtratrabaho. Lahat ay may ginagawa pwera sa kanya na nakaupo lang. Sumimangot siya at saka tumayo dala dala ang tray.

Pagsasabihan ko palang sana si Ingrid na maging friendly naman kahit konti lang kaya lang bago pa ako makapagsalita ay bumalik na si Kelsey at saka ngumiti. "Magtratrabaho na ko pero sagutin mo muna tanong ko."

And knowing Ingrid, nagpanggap siya na walang naririnig at sinisimot pa rin ang cake sa harap niya.

"I'll give you another slice of that cake."

Woah. Gano'n ba niya talaga kagustong malaman kung close ba si Ingrid sa Midnight Chasers na 'yan? Kung ako na lang kaya ang magsabi para ako ang may cake? Kaya lang hindi ko rin naman sila kilala bukod kay Dex.

"No."

"Three slices."

"Deal," mabilis na sagot ng magaling kong kaibigan. Kapag dating talaga sa cake nanghihina ang isang 'to.

Umalis si Kelsey sandali para siguro kunin ang cake ni Ingrid.

Habang wala pa si Kelsey ay kumain na rin ako at nakipagkwentuhan kay Ingrid. Sinusubukan kong magtanong sa kaniya tungkol sa banda na 'yon pero kahit anong pilit ko ay ayaw niyang magsalita. Baka raw kasi biglang marinig ni Kelsey tapos hindi na ibigay sa kanya ang free cakes niya.

Of course, tungkol pa rin sa cake.

"Here," lapag ni Kelsey ng pagkain sa tapat ni Ingrid. "Kwento."

Ingrid counted the cake and tasted it first before answering. "I know them because of Dex. Napakinggan ko na sila magpractice pero hindi ako nanonood sa kanila. They're too noisy."

"Bakit kilala mo si Dex?"

"Bakit kilala mo si Dex?" Balik ni Ingrid ng tanong sa kaniya. Itinagilid pa niya ang ulo niya at saka tiningnan si Kelsey.

"Because he is a student here. I've bumped into him a few times."

Hmm. I don't know what's happening basta kain lang ako nang kain habang pinapanood silang dalawa. Alam kong may iniisip 'tong si Ingrid kaya hindi niya agad sinagot ang tanong ni Kelsey. Mukhang wala rin naman siyang balak sagutin 'yon at sinusubukan lang niyang hulihin 'tong isa kung bakit sobra na lang ang pagkacurious niya.

I suddenly feel bad. I should've told Kelsey a while ago that her free cakes will just go to waste.

"Bakit sobrang interesado ka kay Dex?" tanong ulit ni Ingrid.

"I'm just curious sa Midnight Chasers. I mean I know a lot of things about Saving Daylights. Kaya curious ako sa isa pang banda."

"Yeah? Bakit parang kay Dex lang?"

And They Say...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon