Garbage Man: The Secrets Around

264 9 0
                                    

GARBAGE MAN: THE SECRETS AROUND
By Mark Mendoza
(An Official Entry to UHS Writing Contest 2017)
Word Count: 1,284

Bakit pa nga ba ako naririto? Nasa isang sulok sa loob ng makipot na kwartong kahit ang aking mata ay walang ibang mararating.
Asylum ang tawag nila rito. Mental. Pero hindi naman ako baliw. Wala ni-isang naniniwala sa akin sa tuwing sinasabi ko yan. Well, mas mabuti narin yun. At least, sa lugar na'to, may nag-aalaga sa akin. Nakukuha ko ang atensyong hindi ko natatanggap sa labas.
May isang bagay lang akong iponagtataka. Sapagkat, ako mismo sa sarili ko ay nakasisigurong walang mali sa akin, ngunit iba ang lumalabas sa pag-aaral. Ewan. Palaging no improvement.
Hindi ko nga alam kung anong ginagawa nila sa akin eh. O mas mainam kung sasabihin kong, hindi ko alam ang ginagawa 'nya' sa'kin. Ang tanging naaalala ay may itinuturok sya sa katawan ko. Bukod sa bagay na iyon ay wala na akong maalala pa.

Sa mga oras na isinasagawa nila ang proseso ay waring nalulunod naman ako sa malalim na panaginip. Matapos ito'y magigising na lamang ako sa kirot ng kalamnan.
Nakakatawa mang isipin ay nagawa ko narin syang bigyan ng pangalan. Garbageman. Takot ako sa kanya. Naaalala ko noong aking kamusmusan, tinatakot ako ng mga kasama kong batang kalye. Palagi nilang sinasabi na kukuhanin ako ni Garbageman kapag nahuli ako.
Hanggang sa dumating ang puntong kaming lahat ay dinampot ng mga otoridad at inilagak sa bahay ampunan dahil nga sa wala kaming pamilya.
Ngunit di rin ako nanatili roon at dito ako napadpad. Baliw daw kasi ang mga kagaya ko. May isang sanggol daw akong kinitilan ng buhay. Si baby Nira. Sya ang sanggol na pinaaalagaan sa'kin sa ampunan. Iyon kasi ang gawain kapalit ng pananatili sa loob. Pero hindi! Nagkakamali sila! Hindi ako ang pumatay sa kanya. Alam ko kung sino. Pinilit ko itong ipaalam sa kanila ngunit walang naniwala.

Minsa'y naitatanong ko rin sa aking sarili, alin nga ba ang higit na masaya? Ang manatili sa tila kulungang naroon ang hinahanap mong atensyon o ang mabuhay sa labas, sa ilalim ng mga ulap?
Bumalik ako sa riyalidad nang bumukas ang pinto at pumasok sya. Si Garbageman. Nakaramdam nanaman ako ng takot. Ngunit may kaakibat na pagkasabik. Nagsimula ang pakiramdam na ito noong una akong isailalim sa pagsusuri. Hindi ko iyon malilimutan. Sapagkat kahit nasa ilalim ako ng malalim na pagkakahimbing ay dama ko parin ang kirot ng tila pinupunit kong kalamnan at binabayong sintido.
Sumuksik ako sa sulok na tulad ng paslit na takot maparusahan. Nagsimula syang humakbang palapit. Dala ang bagay ng may panusok. Pinagmasdan ko lamang ang pag-abante ng kanyang mga paa. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtusok ng karayom sa aking balikat.

Pinagmasdan ko ang babaeng nasa aking harapan. With her white skin, long black hair and red lips, maihahalintulad sya sa isang prinsesa. Yun nga lang, baliw. Sinasabi nyang wala syang sakit o anupaman pero, mas nakakatakot ang ganoong kaso. Kakaiba sya dahil normal ang bawat kilos nya. Ngunit may mga bagay parin syang ginagawa na taliwas kung ikukumpara sa isang matinong tao.
Kanina, bago ako magtungo sa silid na ito ay nauna na syang binisita ng head doctor upang isailalim sa pagsusuri. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya at natatagalan sya. Wala naman kaming CCTV camera para makita ang nangyayari sa loob. Lumabas na ako at ikinandado ko na ang kanyang silid.

**12:00**
Hating gabi na. Ako ang naatasan upang magdala ng pagkain sa kanya. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng pagkain. Pero bago ko paman mahawakan ang seradura ng pinto ay bumukas ito at iniluwa si Head Doctor Danny.

"O iho? Anong sadya mo?"

"Ah magdadala po sana ako ng pagkain sa room 04B."

" Ah oo. Kay jane?"

" Opo." Napansin ko ang pawis na tumutulo sa kanyang pisngi at bigat ng kanyang paghinga. Ibubuka ko pa ang aking bibig ngunit, lumabas na siya at nilampasan ako. Di ko na iyon pinansin at ipinagpatuloy na lamang ang gawain hanggang sa makarating ako sa tapat ng room 04B.

Nagtaka ako nang makitang nakakawang ng bahagya ang silid. Lalo pa akong pinanlakihan ng mata sa gulat ng makitang walang lamang pasiyente ang kwarto.

Dali-dali akong nagtungo sa labas kung saan naroon ang gwardya ng Ospital. Natanaw ko itong nakaubob. Lumapit ako.

Nanginig ang aking katawan sa naabutang pangyayari. Halos lumuwa ang mata nito, wasak ang bungo na waring hinampas ng isang matigas na bagay.
Pinilit kong bumawi. Sa kabila ng pangagatog ng tuhod ay nagawa ko paring ikilos ang aking mga paang lumayo rito. Hindi ko napansin ang isang madulas na bagay, naging dahilan ito ng pagkakadulas ko. Halos matigil ang paghinga. Ngayon lang lubos na pumasok sa aking isipan ang mga pangyayari. Sana nga ay panaginip lang ang sitwasyong ito.

Pinilit kong mag-isip at tumayo upang puntahan ang head doctor's room. Ngunit lalo lamang akong nanlata nang madatnan si Doc. Danny na humagagulgol at isa-isang niyayapos ang mga katawan ng iba pang doktor. Nagkalat ang lamang loob, naliligo sa dugo at nakahiwalay ang ulo sa bawat isa.

****

"Doc. Doc. Danny!" Nangangatal at mangiyak-ngiyak na sambit ng binata. Pero pawang mga mumunting hikbi lang ang naitugon ng doktor.
Gayunpaman ay nagtapangtapangan parin ang binata. Huminga ng malalim at nag-isip. Naalala nya ang telepono. Tumungo sya roon at tumawag ng tulong sa mga pulis.
Ilang sandali pa'y isa-isang namatay ang ilaw, kaya't naghanap sya ng lenteng gagamitin sa pagtanglaw ng daan. Natagpuan nya ito at ilang saglit pa ay napansin nya ang mga patak ng dugo sa sahig. Sinunson nya ito at dinala sya ng mga bakas sa naka saradong banyo.

Hindi ito nakakandado kaya naman malaya syang nakapasol sa silid. Hindi nya inaasahan ang tagpong madaratnan. Ang kawawang pasyente ay sapilitang inaangkin ang pagkatao. Binababoy at walang awang binabayo.

"Doktor Danny?" Sambit ng binata sa taong lapastangan na noon lamang din siya napansin mula sa ginagawang taliwas sa moralidad.

Humarap ito sa kanya suot ang isang mapangutyang ngiti. Bago pa man ito makakilos ay tumama na sa kanya ang malakas na suntok ng doktor. Tumalsik sya at tumama sa salamin na naging sanhi ng pagkabasag nito.

Kumuha ang doktor ng basag na piraso at akmang isasaksak sa katawan ng binata. Ngunit hindi pa man ay impit na napadaing ang doktor at umagos na ang dugo, dugo mula sa likuran. Likha ng isang dalagang tinawag nilang baliw. Ang babaeng sapilitang winasak ang puri't dangal kasama ng buhay at kinabukasan. Si Jane.

Panay ang sambit nito sa katagang "Garbageman" kasabay ang paulit-ulit na pagsaksak sa doktor.

"Jane!" pagtawag ng binata.

"Jane? Si Jane ba na puno ng kinawawa, binaboy at tinanggalan ng karapatang mabuhay? Hahaha. Wala na sya. Ang duwag na yon ay pinatay ko na. Binigyan ko sya ng pagkakataong pamunuan ang katawan ito pero hindi nya nagawa ng maayos. Hinayaan nyang paglaruan sya ng mundo. Alam mo ba? Ako! Ako ang pumatay ka Nira. Masyado kasing maingay. Nakakairita. Ako si Jean. At yan si Garbageman. Masama sya!" Sa mga oras na iyon ay natulala ang lalaki. Patuloy sa pagsasalaysay ang dalaga nang bigla itong umiyak.

"Wala nang kwenta ang katawang 'to. Nilagyan nya ng bata ang tiyan ko." Nagulata ang bata sa isiniwalat ng dalaga. Pero lalong namilog ang kanyang mata sa sunod nitong ginawa. Kinuha nyang muli ang matalim na bubog at ginamit upang hiwain ang sariling tiyan. Dinukot ang sanggol na noo'y isa pa lang malambot na laman. Inilapit sa bibig at hinigop tulad ng isang gutom na hayop nang...

Dumating ang mga otoridad na tanging ang binata na lang ang natirang humihinga. Hindi makausap, sinasaktan ang sarili at pilit sumisigaw.

"Umalis ka sakin! Umalis ka! Umalis ka!!"

Wakas

URBAN LEGEND STORIES (UHS Writing Contest 2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon