Chapter 47: Talk for a bit

261K 8.9K 12.9K
                                    

ELOINY'S POV

Di parin ako makapaniwalang bestfriend ko 'tong sa harapan ko. I'm really proud of you Shea.

"Shea..."

She was surrounded by a blue fire at nakatayo lang sya. She wears a suit na ewan na parang armor pero tanging ang maselang parte ng katawan lang nya ang natatakpan nito. Waaah! Eh totoo naman eh. Parang two piece na armor type. Tapos ang ganda ganda nya kahit nakakatakot sya. Buti pa sya may boobs.

Biglang may dumating na pito at pinalibutan sya. They must be the Apostles of Hell. Para rin silang Alpha. Tapos may mga papabol pa hihi. Well except sa manyak na 'yon at bakulaw na isa.

"Seal her! We need to bring her back to the Underworld." utos ng isang babaeng halatang mataray at sobrang sexy ng suot. Pero mas sexy parin ang bestfriend ko.

She must be Ehra. The Apostle of Envy. Na recognize ko ang mukha nya dahil sa nabasa ko noon sa mga libro ni papa.

Gusto kong tumayo at pigilan sila pero natatakot ako. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Kaharap ko ngayon ang reyna nila at mga elite ng kaharian nya. Ano namang magagawa ko? Parang extra nga lang ako dito eh.

Napatingin ako kay Falcon at nakatingin lang sya kay Shea. Walang ni isang bakas ng emosyon syang pinapakita.

Biglang may mga liwanag na lumabas sa mga palad ng apostles at sabay-sabay nilang tinutok ito kay Shea. Nakita ko pa ang reaksyon ng bestfriend ko na nagulat sa surprised attack na ginawa nila.

No. Anong gagawin nila sa kanya? Are they going to seal her again? Alam kong malakas si Shea pero kasunod nya sa pinakamalakas ang apostles. Kapag nagsama-sama sila ng kapangyarihan...

Buong lakas akong tumayo at subukang lumapit sa kanila, "H-Hoy mga panget kayo—

"Get touched by that fire and you'll turn into ashes." biglaang sabi ng papabol sa likod ko. Hihi si Falcon daw sya eh.

"P-pero..."

Natuon ang atensyon ko dahil tumigil na sa pag papalabas ng kapangyarihan ang siyam. Biglang nawala ang malakas na enerhiya ng kadiliman sa paligid kaya parang nakaginhawa ako ng maluwag. Napuno ng usok at kinaroroonan ni Shea kanina at patay narin ang apoy. Ibig sabihin ba 'non...

"Anong ginawa nyo sa kanya?!" sigaw ko.

Bumaling silang lahat sa 'kin at parang gusto ko nalang tumakbo paalis dito. Huhuhu nakakatakot sila. Waaaah! Ikaw naman kasi Eloiny akala mo ang lakas lakas mo.

"Kailangan namin syang dalhin pabalik. Kami nang—

"That tickles."

Napatigil sa pagsasalita yung isa nang may boses na nanggaling sa kanilang likod. Isang napakalamig na boses.

Sabay-sabay kaming tumingin sa kinaroroonan ni Shea kanina at unti-unti nang nawawala ang usok. Slowly, a very beautiful  woman stepped out of the smoke. Konti nalang talaga tutulo na laway ko.

Naluha ako nang makita ko sya at di ko na napigilang sumigaw, "WAAAAAHH! SHEAAAAA!"

Tumingin sya sa 'kin at mukhang nagulat sya nang makita ako. Lumabas sya sa usok na walang ni isang galos o sugat. She was completely and perfectly fine.

That Nerd has a Secret (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon