/33/ It's All Determined

91.4K 3.3K 810
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


INUTOS ko sa driver na dalhin ako sa Sta. Helena Orphanage at wala pang isang oras nang makarating kami roon. Bumungad sa'kin ang isang simple at maliit na compound pagbaba ko ng sasakyan.

Naglakad ako palapit sa gate at natanaw ko sa play-ground ang mga batang naglalaro roon. Una kong napansin sila Beatrice at Jinnie, napangiti ako nang makita sila dahil parang kailan lang ay mga paslit pa sila at ngayon ay nasa edad na siyam o sampu na silang dalawa. Like their parents, they also inherited special powers, nakikita ko ang aura na bumabalot sa kanilang mga katawan.

Subalit hindi lang sila ang mga batang Peculiar na nakikita ko ngayon, apat na bata ang kalaro nila, isang babae at tatlong lalaki na ang dalawa'y kambal, na tiyak kong mga Peculiar din dahil sa kanilang aura at base sa aking obserbasyon ay malaya nilang naipapamalas sa ampunang 'to ang kanilang mga abilidad kapag walang ibang matatandang nakakakita.

"Tingnan niyo 'to!" bulalas ng batang si Jinnie at itinaas niya ang kanyang kamay, sunod na lumutang ang mga bato sa lupa at namangha ang mga batang kasama niya.

"Jinnie, sabi sa'yo pagagalitan ka ng mama mo kapag ginamit mo 'yang powers mo!" saway ng isang batang lalaki.

"Secret lang naman eh!" depensa ng batang si Jinnie at pumanewang.

"Mag-aaway na naman kayo, Jinnie, Rommel, pagagalitan tayong lahat nito eh!" sabi ng isang batang babae.

"Sylvia, ito kasing si Rommel ang ingay!" sagot ni Jinnie.

"Bakit ako? Ikaw 'tong nagyayabang diyan, eh!"

"Tama na 'yan, Jinnie, huwag na kayong mag-away." Sumabat na ang isa sa kambal.

"Hay nako, Pacifico, palibhasa kasi hindi mo kaya ipakita powers mo."

Natutuwa akong makita na malaya nilang napag-uusapan ang tungkol sa mga kapangyarihan nila kapag walang ibang nakakakita, pero hindi ko pa ring maiwasang mag-alala. Napansin ko si Beatrice na malayo sa kanila habang katabi ang isang batang lalaki na kakambal ni Pacifico, nakaupo siya habang may ginuguhit sa lupa gamit ang isang maliit na tangkay.

"Beatrice?" tawag ni Jinnie at lumapit siya rito. "Ano 'yang dino-drawing mo?"

"Babae," sagot ni Beatrice.

"Sino?"

"Siya." Hindi ko napaghandaan na itinuro ako bigla ni Beatrice at napatingin ang mga bata sa'kin.

"Jinnie, ano na namang ingay ang naririnig ko?" lumabas mula sa loob ng gusali si Annie. "Sinabi ko na sa'yo na—" napatingin siya sa tinitingnan ng mga bata at nakita ako.

"S-Sigrid?!"

*****

"UGALI mo na talagang sumulpot na parang multo, ano?" sabi ni Annie matapos ilapag sa mesa ang isang tasa ng tsaa. Pinatuloy nila ko rito ngayon sa isang bakanteng silid matapos nila akong ipakilala sa madreng namamahala ng ampunan at malugod naman ako nitong tinanggap.

Mnemosyne's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon